
Flattered si Sam Milby na crush siya ni Pia Wurtzbach

Flattered si Sam Milby na crush siya ni Pia Wurtzbach
“Sobrang flattering talaga,”
Ito ang sabi ni Sam Milby nang kunin ang kanyang reaksyon sa presscon ng “Doble Kara” sa sinabi ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na siya ang showbiz crush nito.
Matagal na palang kilala ni Sam si Pia.
“It’s so funny kasi I’ve known her for eight years. Yeah, I’ve known her for a very long time.”
Hindi ba niya naisipang ligawan that time si Pia?
“Well, parehas kaming may karelasyon at that time. It’s just that it never happened that way,”
sagot ni Sam. Samantala, nang matanong naman si Sam tungkol sa estado ng relasyon nila ng non-showbiz girlfriend niya ay ayaw magbigay ng reaksyon dito si Sam.
“I’ve been keeping that part of my life private. Wala, ayaw ko pang i-share.”

John Marco pinagkaguluhan sa “PASADO AWARDS”
Sobrang masaya si John Marco dahil matutupad na rin ang pangarap niyang maging isang artista sa tulong ng discoverer at tumatayong manager niya na si Direk Francis Doble. Kaya gusto ng bagets na pumasok sa showbiz para makatulong siya financially sa kanyang pamilya.
Bilang preparasyon sa pagpasok niya sa showbiz ay mag-a-undergo ng acting workshop si John sa ABS-CBN 2.
Si Coco Martin ang paboritong aktor ni John. Mahusay daw kasi itong umarte. Si Kathryn Bernardo naman ang paborito niyang aktres dahil bukod sa mabait daw ito at nagagalingan din siya ritong umarte.
Ang payo sa kanya ng mga magulang kapag nasa showbiz na siya ay maging humble at huwag lalaki ang ulo.
Kamakailan ay naging presentor sa “PASADO Awards” si John na ginanap sa UE Recto. After ng event ay pinagkagulugan siya ng fans. Sa loob pa lang ng venue ay marami na ang nagpa-picture sa kanya at hanggang sa umalis na siya ay marami pa rin ang sumunod sa kanya para magpakuha ng picture.
Gwapo at artistahin ang dating, kaya hindi na kami nagtataka na kahit hindi pa man artista si John ay pinagkaguluhan na siya ng fans. What more kung nasa-showbiz na talaga siya, di ba?