
For Myrtle Sarrosa, pursuing showbiz career is a priority; LA Santos takes pride on his first acting job in ‘DAD’
Pumirma muli ng bagong kontrata sa Megasoft si Myrtle Sarrosa bilang celebrity endorser ng Sisters sanitary napkin. Kasabay na rin dito ang congratulatory presscon na inihanda sa kanya ng kumpanya.
Tuwang-tuwa ang Megasoft sa pangunguna ni Aileen Go dahil sa kabila ng kaniyang busy schedules ay nagawa pa nitong makapagtapos ng pag-aaral na graduated as cum laude sa UP Diliman sa kursong Broadcasting Communication.
“Ibang klase si Myrtle. Sobra siyang professional. Pero siyempre, kami yung nag-a-adjust sa schedule niya kasi nga nag-aaral siya. Ayaw naman naming maapektuhan yung grades niya lalo na nung time na she’s running for cum laude,” pakli ni Aileen.

Pero kahit nakapagtapos na ng pag-aaral si Myrtle mas gusto muna niyang mag-focus sa kaniyang showbiz career.
Sabi niya, “Gusto ko talagang ituloy-tuloy ‘yung acting and hosting and performing so sana tumuloy-tuloy.”
“Saka ko na lang po siguro ipa-practice ‘yung natapos ko o maging broadcaster, writer, kahit ano po. Ang gusto ko muna talagang gawin ay umarte.”
Sa ngayon ay dalawang pelikula ang ginagawa sa Regal Films at gusto na rin niyang makagawa muli ng teleserye pagkatapos ng partisipasyon niya sa malaganap na programang La Luna Sangre.
Sa kaniya namang buhay pag-ibig, wala muna raw siyang panahon dito. Huling nakarelasyon ni Myrtle ang anak ni Senator Grace Poe na si Brian Poe Llamanzares.
***********************
Hindi kami na-dissapoint sa unang sabak ni LA Santos sa pag-arte nang mapanood namin ang pelikulang DAD (Durigin ang Droga). Kahit baguhan ay naipakita naman niya na may ibubuga naman pala siya.
Nakipagtagisan siya ng pag-arte sa kaniyang mga kasama sa pelikula na sina Allen Dizon, Jackie Aquino, Jeric Raval, Jeffrey Santos, Efren Reyes Jr., Alma Concepcion, at sa iba pa.
Pagkanta ang unang karerang pinasok ng binata pero aminado siya na nag-eenjoy din siya sa pag-arte.
Hindi raw siya makapaniwala na sa unang sabak niya sa pelikula ay mga batikan at mahuhusay na mga artista ang makakasama niya.
“Thankful po ako and I feel honored po sa co-stars ko sa movie, kasi I learned a lot from them. Si Direk (Dinky Doo) naman po, he’s the very best and cool na director siya. He’s one of the kindest person I’ve worked with po.”
Sey pa ng binata, sobrang happy niya dahil bihira lang daw sa isang tulad niya ang magkaroon ng pagkakataon na mapagsabay ang pag-arte at pagkanta.