June 1, 2025
‘Forevermore’ Thanksgiving Concert cancelled
Latest Articles

‘Forevermore’ Thanksgiving Concert cancelled

May 4, 2015

Antazo PSR pic
by Mary Rose Antazo

safe_image Inaabangan na sana ang ‘Thanksgiving Concert’ na gagawin ng teleseryeng ‘Forevermore’ na pinagbibidahan nina Enrique Gil at Liza Soberano o mas kilala sa kanilang karakter bilang Xander at Agnes ngunit naudlot ang magaganap sanang selebrasyon.

Naka-schedule sana ang nasabing concert sa May 10 sa Sitio Pungayan, Benguet o sa mas kilala ngayon sa tawag na La Presa pero umalma ang mga concerned environmentalist at agad sumulat sa pamunuan ng ABS-CBN na nagsasabing tutol sila sa magaganap na concert sa Benguet.

May mga mungkahi naman sila na kung maaari ay puwede naman daw gawin ang concert sa Burnham Park o stadium ng Baguio para matuloy at mabigyan ng kaligayahan ang mga sumusuporta ng ‘Forevermore.’

Balitang nalungkot ang buong cast ng teleserye dahil ito sana ang kanilang paraan para pasalamatan ang mga taga-Benguet sa suporta at pagmamahal na ipinakita sa kanila sa mga panahong doon sila nagsyu-shooting pero higit naman nilang naiintindihan ang panig ng mga environmentalist.

Samantala, agad namang naglabas ng statement ang ABS-CBN Corporate Communications hinggil sa pagkansela ng ‘Forevermore Thanksgiving Concert.’

Here is the full statement:

Forevermore-500x432“ABS-CBN regrets to announce the cancellation of ‘Forevermore’ thanksgiving concert scheduled on May 10 in Sitio Pungayan, Benguet following some environmental concerns raised regarding the event’s venue.”

Sitio Pungayan, located near Mount Cabuyao in Tuba, Benguet, has assumed tourist destination status since it was featured as one of “Forevermore’s” major locations.

Meanwhile, prior to this announcement, the group One Baguio, The Baguio We Want: Clean Baguio posted a petition viachange.org to have the concert venue changed.

The group contended that Sitio Pungayan is “within a critical watershed, one of the last forested areas in Southern Benguet, which is an important source of potable water for residents and visitors of Baguio City, including downstream communities until Tubao and Rosario in La Union.”

As of presstime ay wala pang ina-announce kung matutuloy pa o hindi na ang nasabing Thanksgiving Concert.

Leave a comment

Leave a Reply