May 24, 2025
Former actor Jimboy Salazar (Mahal’s Ex Boyfriend) needs financial assistance
Faces and Places Latest Articles

Former actor Jimboy Salazar (Mahal’s Ex Boyfriend) needs financial assistance

Jul 20, 2015

By PSR News Bureau

Untitled

Malayong-malayo na ang hitsura ni Jimboy Salazar mula noong nobya pa nito ang bulinggit na komedyanang si Mahal sa makikitang Jimboy ngayon. Humpak na parehas ang mga pisngi nito na dati’y medyo chubby. Malaki rin ang ibinagsak ng katawan nito dala ng iniindang sakit. Mayo ng kasalukyang taon nang mabalitaang nagkaroon ng pneumonia si Jimboy. Ilang buwan din itong nagpagamot at pabalik-balik sa ospital. Mula noo’y hindi pa nanunumbalik ang dating sigla at lakas ni Jimboy.

“May sinasabi sa akin na kakaiba ang sakit ko. Baka daw may bumati sa akin. Hanggang sa sabi na meron na daw bakla na umano sa akin kasi ang nangyari sa akin kakaiba. Sabi nga ng nanay ko, ano ito? Mahirap sabihin,” sabi ni Jimboy.

“Malabo ang mata ko so nagpapabasa na ako. Nagpapalakas pa lang ako, hindi pa ako naglalakad. Under medication pa ako, pabalik-balik pa ako kasi nga ilang days na ako sa hospital.”

Hindi naman itinago ni Jimboy na nakipagrelasyon ito sa kapwa lalaki na ang huli’y muntik na nga sanang umabot sa kasalan. Isa ito marahil sa naging dahilan kung bakit tuluyan nang nahulog ang kanyang katawan.

Magkasamang pighati at sakit ang nilalabanan ngayon ng dating aktor na minsan na rin tayong pinasaya noong panahong siya’y ganap pang lalaki nang makipagrelasyon ito kay Mahal, ang maharot na bulinggit na komedyana.

Ngayon nga’y aminado si Jimboy na naubos na halos lahat ng kanyang naipon sa pagtatrabaho dala ng gastos at pangangailangan sa gamot medikal at iba pa kung kaya’t humihingi na siya ng tulong sa sinumang mayroong ginintuang puso.

Panalangin ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) na sana’y gumaling na si Jimboy Salazar.

Leave a comment

Leave a Reply