
Former actress Jenny Umali now a life coach in US, produces own online show
Double whammy! Iyan ang sitwasyon ngayon ng dating aktres na si Jenny Umali na nakabase na ngayon sa Amerika.
Bukod kasi sa pandemic kung saan ang USA ang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong mundo, malapit din sa tirahan ni Jenny ang mga nagaganap na mga sunog o forest fire sa California.
Ano ang reaksyon ni Jenny na ang US ang #1 sa COVID-19 cases?
“My God, napakahirap! Lalo na malayo ka sa pamilya mo. Hindi mo na iisipin ang sarili mo, parang gusto ko lumipad, buti na lang ang mga bata malalakas ang loob.
“Sila mismo ang nagsabi na for me to stay put kasi baka lalo kami mapahamak.
“Nakakatakot kasi, hindi mo alam mangyayari next.”
Halos walong taon na si Jenny sa US.
“Back and forth sa Philippines and US.
“So far dito na talaga muna ako since ang mga bata malalaki na and sila mismo ang nagsabi na they can manage naman na and somehow they want me to live my purpose kasi nakita nila na masaya at mahal ko ang ginagawa ko dito.
“Andito [sa US] ang dalawang kapatid ko and family nila so hindi naman malungkot and iba naman na talaga ang nagagawa ng internet sa buhay natin, blessing ito talaga lalo na sa aming mga may naiwan pa na pamilya sa Pilipinas.”

Nasa Pilipinas ang dalawang anak na lalaki ni Jenny na sina Jonathan at James.
“Kasi kakatapos lang ng college. ‘Yung panganay ko na babae si Sophia nasa Australia na with her fiancé, nagwo-work na din siya doon.
“Mahirap malayo sa pamilya pero naniniwala ako sa power ni God and ang love niya sa atin, na hindi niya tayo pababayaan basta we continue to believe in His power and love and pati na din sa sarili natin.
“Na lagi natin tatandaan na huwag nating i-entertain-in ang mga negative instead let us rise above the situation.
“Lalo na pag me fear tayo.”
Ano ang mga pag-iingat niya sa US? Masunurin ba sa health protocols ang mga nasa community nila?
“Number 1 sa akin talaga is pray and meditate. I connect to God everyday and I ask God to keep us all safe and I keep the positive attitude, not just for me but para sa lahat. Lakas ng loob lagi.
“We avoid going out as much as possible lalo na sa mga matataong lugar.
“Alam mo I cannot blame people here if minsan naglalabasan sila e, they just want to make their life normal as much as possible, going to the beach but practice social distancing pa din talaga.”
Hindi pa man natatapos ang pandemya, wildfires naman ang panganib na kinakaharap ng mga residente sa ilang bahagi ng Northern California, kabilang na si Jenny.
“Aaminin ko nakaka-depress kasi kawawa mga tao dito lalo na mga homeless. Imagine may pandemic na, may fires pa!
“Yung usok iyon ang nakakamatay, e. Kami dito sa bahay nagre-ready kami ng mga pang-emergency and necessary na bagay katulad ng pagkain, tubig, first aid kit.
“Malapit kami sa lugar na mga may sunog and yung hangin ang nakakatakot. Dry ang California ngayon, sa sobrang init kaya madaling mag-spark ng sunog.”
Sa kabila ng mga ito, patuloy na lumalaban sa buhay si Jenny.
“Hindi kaagad ako nakapagnegosyo dito, nag-umpisa ako dito bilang cleaning lady, caregiver, personal assistant, tapos nabigyan ako ng breakthrough ng isang client ko, na nakaipon ako ng bongga para maitayo ang small business ko dito as a healer and a life coach.
“I help people heal and get out with their emotional and spiritual struggle and nagtuturo din ako dito ng Healing and Life Coaching.
“I studied habang nagwo-work ako tapos na-certify ako bilang Reiki Healer/Teacher, Life Coach, Business Coach, Meditation Teacher, tapos ngayon tinatapos ko ang Psychology certification ko.
“If it’sall about love and healing on board ako talaga.
“Nag-produce ako ng online talk show na Expose And Express Live.

“Itong Expose And Express Live ko nag-start ito noong nag-uumpisa pa lang ang COVID-19 [pandemic]. Birthday ko yun March 18, March 17 nun nag-declare na ng lockdown ang halos karamihan ng States dito.”
Pagpapatuloy pa ni Jen.
“I also created this Facebook Live and Youtube Live show para sa fellow business owners ko na makaka-reach kami sa mga taong nangangailangan ng advice and we are now on our Season 2.
“I have never been busier in my life, napakaraming tao na ang natutulungan ko dito at nagiging blessing din sa akin. Lima kaming hosts sa show na ito and lahat kami mga coaches.
“Si Bernz Bayabo [Business Builder Coach of Kickstart Digital Media Strategy/www.bernzbayabo.com]; and Rochie Desagun [health & wellness Blogger of The Frugalista Mom/www.thefrugalistamom.com] are also Filipinos.
“And we have Jill Seibenbrodt [The Queen of Fill Your Own Cup of Jill 2.0 Life and Business Coaching Company] from Arizona and Daniela Nastasi [meditation mentor and speaker: The Founder of Ummastery/ www.ummastery.com] from New Jersey.
“And ang mga guests namin global, kung saan-saan nanggagaling na bansa din.”