May 22, 2025
Former sexy actor Toffee Calma finds new purpose
Latest Articles

Former sexy actor Toffee Calma finds new purpose

Nov 3, 2023

NAKABALIK na si Toffee Calma mula sa iba’t-ibang bansa na kanyang pinanggalingan kaugnay ng kanyang bagong trabaho sa labas ng showbiz.

Siya ngayon ay International Sales Director sa kumpanya na kanyang pinaglilingkuran.

“Dumating ako nu’ng last week ng August. Galing ako sa Thailand at Turkey,” wika ni Toffee.

“Paalis na ulit ako sa November 10, papuntang Switzerland and Chicago.

“Waiting pa ako ng visa ko to Europe. Na-expire kasi.

“Sad to say, ‘yong dating offer sa akin na gumawa ng pelikula, hindi ko muna ulit magagawa.

“Excited pa naman ako na makagawa na ulit ng pelikula.”

Nagpahinga si Toffee sa paglabas sa pelikula nang maghigpit sa bold films at nasundan pa ng panahon ng pandemya.

“Ang hirap din kasi noon, nawalan ako ng talent manager,” anipa ng aktor.

“Namatay si direk Joey Gosiengfiao na talent manager ko.

“Medyo tinutulungan na rin ako noon ni direk Maryo J. Delos Reyes, kasi wala na nga si direk Joey.

“Eh, kaso’y namatay din si direk Maryo. Kaya parang lalong ‘di ko alam kung paano na noon ang showbiz career ko.”

Bagay naman kay Toffee ang bago niyang trabaho na pinagkakaabalahan ngayon.

“Nu’ng bagets pa lang ako, pangarap ko talagang makapunta at makapasyal sa iba’t-ibang bansa,” banggit ni Toffee.

Puwede pa ba siyang magpaseksi ulit kung may matutuloy na project?

“Wala namang problema sa akin ‘yon. Pero sana, iba naman. Dahil hindi na ako bumabata,” pahayag niya.

Naha-handle nang maayos ni Toffee ang kanyang mga kinikita. Kaya happy siya sa takbo ng buhay niya ngayon.

“Medyo magastos din ako dati. Pero nag-iipon din talaga ako,” wika niya.

“Katulad niyan, sa showbiz, ang hirap kung du’n ka lang sa kinikita mo umaasa.

“Paano kung matagalan na wala kang project?

“Kaya happy ako sa work ko ngayon.

“Hayun, mayroon na akong lupa sa Tanay, Rizal. Maraming tanim na prutas na namumunga na. Pinapakinabangan na.

“Mayroon din akong lupa sa Tagaytay. Para may masabi naman ako sa buhay ko, na naipon ko sa pagtatrabaho ko.”

Leave a comment