May 23, 2025
Former Viva Hot Babe gets her spot at ‘Ikaw Ay Akin’
Latest Articles

Former Viva Hot Babe gets her spot at ‘Ikaw Ay Akin’

Mar 10, 2021

Nagpa-abot nang labis na pasasalamat sa Net25 si Zara Lopez. Ang former member ng Viva Hot Babe ay kabilang sa cast ng newest TV series titled Ikaw Ay Akin.

Ito ang unang project ni Zara mula nang nagkaroon ng pandemic, kaya sobrang thankful siya sa Net25.

Sambit ng aktres, “Sobrang thankful po ako sa Net25, kasi po ang purpose rin po nila is makatulong sa ibang artista na naapektuhan ng pandemic.”

Dagdag pa niya, “Nakakatuwa po, kasi mas iniisip nilang makatulong at yung kapakanan ng tao sa paligid.

“Napakasarap po ng pakiramdam na mayroong network na nagbukas ng pinto para sa aming mga artista na nawalan ng trabaho. Napakalaking tulong po para sa lahat yung trabaho na naibibigay nila.”

Tampok din dito sina Meg Imperial, Fabio Ide, Elizabeth Oropesa, Tanya Gomez, at iba pa, sa pamamahala ni Direk Eduardo Roy. 

Napapanood ang serye every Saturday, 8pm.

Ano ang masasabi niya sa kanyang co-stars dito?

Esplika ng aktres, “Si Fabio po nakapabait, napaka-down to earth. Wala kang ma-feel sa kanya na nag-a-attitude siya. Napaka-genuine ng heart niya and napakagaling makisama sa lahat, pati sa staff and directors.

“Masasabi ko na isa si Fabio na walang attitude sa mundo ng showbiz, kaya siya blessed kasi napakabuti niyang tao.”

Pagpapatuloy pa ni Zara, “Si Meg po okay siyang katrabaho.

“First time ko po silang makatrabaho, kaya I’m so grateful na lahat ng artista rito, napakagaan nilang ka-work at wala kang mafi-feel na bigat sa bawat eksena.”

Ipinahayag din ni Zara ang pasasalamat dahil pinuri ang kanyang acting dito.

Wika niya, “Sobrang grateful po ako at binigyan nila ako ng pagkakataon sa project na ito. Thankful din po ako dahil na-appreciate nila yung ipinakita kong pag-arte rito.

“Nagugulat na lang po ako may nag-approach sa akin na, ‘Zara ang galing mo, natural yung acting mo at natatawa kami sa iyo’. Mayroon ding, ‘Ate Zara pinag-uusapan nila yung acting mo at ang daming nagagalingan sa iyo’.

“Kaya ang sarap po pakinggan na may mga taong nakapansin ng pag-arte ko. Kaya bago po mag-take ay lagi po akong nagdadasal na gabayan ako sa bawat eksena.

“Hindi naman po ako binigo ni Lord, damang-dama ko po yung gabay Niya sa bawat eksena ko,” masayang saad pa ni Zara.

Leave a comment