May 22, 2025
“To have all four of us, coming out on stage, not to show who’s best, but to show how good a team we really really are.” – Gary V.
Latest Articles

“To have all four of us, coming out on stage, not to show who’s best, but to show how good a team we really really are.” – Gary V.

Jan 20, 2015

Rommel_Placente
by Rommel Placente

wpid-Gary-ValencianoFor the first time ay magsasama-sama sa isang concert sina Gary Valenciano, Regine Velasquez, Lani Misalucha at Martin Nievera billed as Ultimate na gaganapin sa MOA Arena sa February 13 and 14 mula sa direksyon ni Rowell Santiago at produced ng Star Media Entertainment ni Anna Puno at I-Music Entertainment ni Cacai Mitra.

Sa presscon ng nasabing concert ay wala roon si Lani dahil kasalukuyan itong nasa America. Kaya ang tatlo lang ang natanong ng entertainment press tungkol sa kanilang concert.

Sa tanong kay Regine kung sino ang mas gwapo between Gary and Martin ay nagpaka-safe ito sa pagsagot. Wala siyang pinili sa dalawa. Instead, ang sinagot niya na natatawa ay ang mister niyang si Ogie Alcasid. Pero ayon sa kanya, pareho naman daw gwapo sina Gary at Matin. Magkaiba lang daw ang tipo kanilang kagwapuhan. Si Martin daw ay funny type, while si Gary ay serious type pero may funny side rin daw naman ang tinaguriang Mr. Pure Energy.

Nang matanong naman si Martin kung ano ‘yung mga endearing kay Regine, ang sabi niya, ‘yung sa tagal ng panahon ay hindi nagbago si Regine at nanatili raw itong humble kahit gaano ito kasikat.

Sa tanong naman kung ano ang not endearing kay Regine, ang sabi ng ex ni Pops Fernandez ay ‘yung kapag nasa stage raw ito at nakatayo lang doon na parang puno habang nagpe-perform. Na ang ibig sabihin ni Martin ay hindi gumagalaw si Regine. Pero bawi ni Martin, wala raw keber ang mga tao sa ganon dahil lahat naman daw ay nakikinig ‘pag kumakanta na si Regine.

Pare-parehong magagaling na singers ang apat, pero sino kaya sa kanila ang talagang magsa-shine sa gabi ng kanilang concert? Pero ayon kay Gary,”To have all four of us, coming out on stage, not to show who’s best, but to show how good a team we really really are.”

_____________________________________________________________________________________________________________

Hindi pa man sumisikat si Martin Escudero ay nalaos na agad siya

Martin EscuderoMukhang nagkamali si Martin Escudero sa naging desisyon niya na iwan ang GMA 7 para lumipat sa TV5. Hindi naman kasi siya naging malaking bituin dito. Hindi siya napasikat ng Kapatid network kahit pa binigyan na siya rito ng dalawang sariling show. Kung bakit kasi after niyang iwan ang dati niyang manager na si Popoy Caritativo ay nagawa rin niyang iwan ang Kapuso network na siya naman talagang nagbigay ng malaking break sa kanyang career. Ayan, hindi pa man siya sumisikat ay nalaos na agad siya. Hindi kaya nagsisis na si Martin sa maling desisyon niya sa kanyang career?

Follow me…

social networkingRommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente

Leave a comment

Leave a Reply