
Franchesco Maafi leads ‘The Special Gift,’ wants to work with Dingdong
Sa pelikulang The Special Gift, ang child actor na si Franchesco Maafi ang pangunahing bida, na gumaganap siya rito bilang si Liam Castrillo na isang special child.
Ito ay produced ng RCGomez Entertainment Productions, at mula sa direksyon ni Lawrence Roxas.
“Handpicked po ako ng direktor ng movie namin. Sobrang saya ko po, dahil hindi na po ako pinag-audition, hindi na po ako parang pina-acting. Handpicked po talaga.
“Tinawagan na lang po kami para mag-script reading na lang po ako. Ayun po,” kwento ni Choco na palayaw ni Franchesco, kung paano siya nakuha bilang lead star sa The Special Gift.
Karamihan ng serye na ginawa ni Choco ay mula sa GMA 7 like “Beautiful Justice” (2019), “Nakarehas Na Puso” (2022), at “Hearts On Ice” (2023).
Pero ayon kay Choco, hindi siya nakakontrata sa Kapuso network.
“Hindi pa po ako nakakontrata sa kanila,” sabi niya.
Sa tanong kung paano siya napasok sa showbiz, ang sagot ni Choco, “Una po muna, nag-commercial po muna ako. Tapos ayun po, nag-audition po ako sa mga teleserye. Nakuha naman po ako.”
“Tapos po, si Direk Melchor po, ‘yung Assitant Director po ng The Special Gift, mayroon po kaming ginawang teleserye rati. Tapos po, nu’ng may naghahanap ng bata para rito sa movie namin, ni-refer niya po ako. Tapos ayun po, ako na nga po ‘yung napili.”
Nag-aaral ngayon si Choco. Grade 7 na siya. Pero kahit nag-aartista na siya ay hindi naman niya napapabayaan ang pag-aaral niya.
“Napapagsabay ko naman po.”
“Si Dada po (mommy ni Choco) ang nagma-manage ng oras ko sa pag-aaral at pag-aartista.
“Kung mabibigyan ng chance, gustong makatrabaho ni Choco si Dingdong Dantes.
“Ipinaglihi po kasi ako ni Dada kay Dingdong,” natatawang sabi pa ni Choco.