
Freshmen boy band, Misters ng Pilipinas entertained Eastern Samar
Last weekend, Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) visited Eastern Samar (Borongan at Dolores) na hinagupit ng bagyong Ruby noong December 2013, one month after Yolanda. Badly hit ang Borongan at Dolores, maraming old and heritage houses ang nasira pati na rin ang kabuhayan ng ating mga kababayan sa nasabing probinsya.
[metaslider id=13577]
But the Filipinos are resilient people. Katulad ng Taclobanons (na hinagupit ni Yolanda), bumangon din ang Samarnons. They even promoted Eastern Samar to be the big tourism destination in Eastern Visayas thru tourism campaign called #SparkSamar at #SummersaSamar2015.
Sa nasabing anniversary ng Teceruma Spa and Salon (2nd year sa Dolores at 1st year sa Borongan) nagbigay ng kasiyahan sa kanyang mga kababayan ang owner nito na si Teresa Docabo at asawang si John Herbst. Isang Fashion show cum anniversary concert ang ginawa sa dalawang bayan featuring the image models of Teceruma who happens to be the winners of Mr. Phillipines namely Mister International 2014 Neil Perez, Mister Global Philippines 2014 Joseph Doruelo, Mister Tourism International Philippines 2014 Judah Cohen and 1st Runner-Up Nicko Cruz kasama pa si Mister International 2013 Jose Anmer Paredes, Supermodel International Philippines Shanice Eve Bailon, Mr. Asia Philippines 2014 Christian Mark Galang and the multi-awarded boy band called Freshmen.
Parang piyesta at sobrang saya ng mga taga Dolores at Borongan dahil nagkaroon pa ng motorcade bago mag-concert. Fully packed ang venues ng 2 concert, tilian sa saya at kilig ang mga fans lalo na at madali silang makalapit sa kanilang idolo. First time nagkaroon ng concert sa Dolores kaya naman lifetime experience ito para sa nakararami. Natupad lamang ito dahil sa provincial branch ng Teceruma Spa and Salon. “This is my way of saying thank you and giving back to my kababayans,” sabi ni Mrs. Herbst na mas kilala bilang Tess or Tece.
Gusto mapasaya ni Tess ang Borongan at Dolores dahil siya mismo ay naka-expereince ng bagyong Ruby. Aniya, wala silang tulugan upang bantayan ang isa’t-isa at isalba ang ari-arian at negosyong ipinundar sa Dolores. Itinali nila lahat ang foot spa machines sa ground floor para hindi tangayin nga baha kung sakaling magkaroon ng flash flood. At lahat ng puwede nilang ilagay sa second floor ay iniakyat nila kasama ang mga tauhan at kamag-anak. Sa kabutihang palad ay hindi naging mataas ang baha at walang naging storm surge sa kanilang lugar. At kahit pa nasira ng bubong ng second floor ng building at lahat sila ay nabasa ng magdamag na ulan, laking pasasalamat ni Tess dahil lahat sila ay ligtas.
Second time naman ng grupong Freshmen – na kinabibilangan nina Derick, Patrick, Thirdy, Levy and Sam – sa Borongan, dahil nakapagtanghal na sila ng concert dito noong December 2013 pagkatapos ng bagyong Ruby. Hindi inalintana ng mga kabataang ito ang mahirap at mahabang biyahe – 17 hours boat and road trip from Cebu — dahil sira ang Tacloban airport at ang mga kalsada going to Borongan. Kaya naman iyakan sa tuwa ang taga Borongan ng kantahan sila ng Freshmen at bigyan ng basic needs like food and clothings na bitbit nila mula Maynila!
Kaya naman sa 2nd concert nila sa Borongan ay sobrang mahal na sila ng mga tao. Aside from the fact na magalang at magiliw na kabataan ang Freshmen, mahusay silang kumanta at mag-perform! Mabuhay kayo, Freshmen!
Teceruma owners John & Tess Herbst led the 20+ contingent from Manila and paraded around town thru a motorcade. Given a short notice for preparation and to promote the concert, it was amazing to see big crowds packing the Provincial Capitol Gym in Borongan and the Dolores Blvd. Gym in Dolores. Kudos also to Tacloban’s models who joined the show who are title holders themselves having participated and won in the 2015 G. Leyte and Ms. Tacloban.