May 22, 2025
Freshmen to take the stage; excited for their major concert
Latest Articles

Freshmen to take the stage; excited for their major concert

Sep 27, 2016

Kahit three years pa lang sa industriya ang Freshmen, marami na silang natanggap na awards and recognitions tulad ng Most Promising Boy Band (Teen Choice Phil, 2013), Most Outstanding Boy Band (Gawad Dangal Musical, 2013), Asian Outstanding Boy Band (Asian Entertainment Awards, 2014), Outstanding MTV Breakthrough (2015), Youth for UNESCO Ambassador (2105), at Ten Outstanding Movers of the Philippines (2016).

Ang concert ng Freshmen ay bilang pagdiriwang din ng kanilang 3rd anniversary kaya tinawag itong 3LOGY na gaganapin on Sept. 30 sa Music Museum. Sobrang thankful ang boy band dahil matutupad na rin ang isa sa mga dream nila, ang magkaroon ng mainstream concert dahil karamihan ng small concerts ng grupo ay ‘for a cause and charity,’ na lubos naman nilang nagustuhan dahil marami silang napapasaya lalo na sa panahon ng krisis.

trilogy

Aminado ang mga bagets na kinakabahan sa kanilang major concert pero excited din dahil matagal na nilang ipinagdarasal ang break na ito kaya puspusan ang ensayo ng grupo.

Bukod sa mahusay kumanta ay may bonding na sila as a group performer. Kaya mayroon na silang rapport sa isa’t-isa. At dahil tatlong taon na silang magkakasama sa hirap at ginhawa, nabuo na rin ang friendship at barkadahan ng tatlong gwapings na sina   Derick Gernale, Levy Montilla, Patrick Abelleda, Sam Aysin, at Thirdy Casas pati na rin ng kanilang mga magulang at supporters.

Hindi rin nakapagtataka kung ihambing sila ng entertainment editors sa banyagang boy band na One Direction sa angking talento nito lalo na at kinantahan sila sa presscon na binigay para sa kanila ni Ms. Vicky Solis ng VBS Business Group and Today’s Production & Entertainment, para sa nalalapit na concert.

Mabait, magaling, matulungin at may puso para sa charity at advocacy ang mga kabataang ito. Nakita  ng entertainment producer na si Madam Vicky ang mga katangiang ito kaya na-ennganyo siya at mga kasamahan sa VBS na ipag-produce ng concert ang Freshmen.

freshmen2-600x0

Maliban sa major concert, ang magkaroon ng album ang pangarap ng grupo at sure kami na kapag nabigyan sila ng break at exposure tiyak na malayo ang mararating ng mga kabataang ito. Kaya naman to the rescue si Tita Vicky na bigyan sila ng well-deserved concert to showcase their talent. The album is on the works upang lalong maipakita ang kanilang talento, said the amiable producer during my one-on-one interview last week.

With Ms. Vicky around, siguradong tuluy-tuloy na ang pagkilala sa Freshmen sa mainstream industry. Bukod sa pagiging concert-producer, si Ms. Vicky ay isang social entrepreneur. Suportado niya ang isang grupo na nagsasagawa ng medical mission all over the country promoting a painless pain solution (magnesium-based solution) na mahusay na pang tanggal ng body pain.

Isa sa bagong venture ng grupo ang Chives Restaurant sa Antipolo, isang organic-based restaurant, which aims to subsidize part of the expenses of the medical mission.

Mabuhay ka, Ms. Vicky and congratulations in advance, Freshmen!

Leave a comment