May 22, 2025
Froilan Canlas, one to beat say TNT contestants
Latest Articles This is it!

Froilan Canlas, one to beat say TNT contestants

Mar 8, 2017

Among the Grand Finalist sa Tawag ng Tanghalan sa it’s Showtime, si Froilan Canlas ang gusto o bet naming tanghaling Grand Champion sa gaganaping Grand Finals nito sa Sabado sa Resorts World.

Gandang-ganda kasi kami sa kanyang boses at malinis siyang kumanta, maiintindihan mo ang bawat lyrics ng kanyang kinakanta.

Nung napanood nga namin siya sa Resbakers para sa TNT, na kinanta ang Sa Ugoy ng Duyan, ay napaiyak niya ang judges at kahit kami rin ay naiyak habang pinakikinggan siya.

Binigyan nga siya ng standing ovation ng judges after ng kanyang performance.

Sa thanksgiving presscon ng It’s Showtime na ginanap nung Martes, na nandun silang sampung grand finalist, ay tinanong ang bawat isa sa kanila kung sino ang kinakatakutan nilang kalaban sa grand finals.

Marami ang sumagot na si Froilan. Kinuha namin ang reaksyon ng binata tungkol dito nung nakausap namin siya after ng presscon, ang sabi niya,” Nakaka-pressure po, nakakatakot, kasi usually yung feeling nila na mananalo, hindi naman usually nananalo, eh.  Pero para siguro makontra ko ‘yung ganung paniniwala, gagalingan ko.”

Sa tingin niya, ano ang edge niya sa mga kalaban niya para siya ang tanghaling first grand champion?

“Lahat naman po magagaling. Siguro po ang edge ko lang sa kanila, ako yung pinakamatanda, ako yung pinaka-experienced (pagdating sa pagkanta),” sagot ni Froilan.

Kahit maraming nagsasabi, isa na nga kami run, na si Froilan ang pinaka-deserving sa lahat na maging grand champion ay hindi yun iniisip ng binata.

“Naka-set na yung expectation ko na wala akong iisipin kahit ano basta mag-perform lang ako ng maayos, maganda lang maipakita ko sa lahat. Maipakita ko yung kaya kong gawin, yun lang.

Kahit nakapasok na ako sa top 5, hindi ako mag-i-expect na manalo para hindi ako masaktan.”

To Froilan, goodluck! Dalangin namin na ikaw na nga ang maging kauna-unahang grand champion sa Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime.

Sa Thanksgiving presscon pa rin ng It’s Showtime, sumayaw ang all male group na Hashtgas na kung saan ay isa sa bagong members nito ay si Bugoy Cariño na talagang humataw siya sa stage sa pagsasayaw ng mga oras na yun, huh!

Photo from twitter
Photo from twitter

Hindi talaga siya nagpadaig/nagpahuli sa mga datihan nang members ng grupo.  Pagdating talaga sa dancing ay mahusay itong si Bugoy, kaya siguro kinuha siya para mapabilang sa Hashtags. Binatilyo na ngayon ang dating child star at mas lalo siyang gumwapo, huh!  Sa totoo, future matinee idol si Bugoy.

Leave a comment