May 22, 2025
From being a fan to millionaire: Ghie Pangilinan shares success story
Latest Articles

From being a fan to millionaire: Ghie Pangilinan shares success story

Jul 15, 2019

Ghie Pangilinan is just an ordinary fan of Heart Evangelista. Laging sinusubaybayan ni Ghie ang mga teleserye ni Heart. Updated siya sa mga nangyayari sa buhay ni Heart. Suportado rin niya ang halos lahat ng ine-endorse ng kanyang idol.

But aside from being an avid fan of Heart ay may mga personal na pangarap din si Ghie na gusto niyang marating. At du’n ay dahil sa influence na rin ng kanyang idol na si Heart lalo na pagdating sa pagnenegosyo.

Sabi nga, no guts, no glory. 

At dahil sa kanyang lakas ng loob, kahit na ilang challenges na ang kanyang hinarap, she is now a successful online seller, and no doubt, a millionaire.

“Lakasan lang ng loob”

Ghie’s story is very inspiring and worth sharing especially du’n sa mga nilalang na nawawalan na ng pag-asa sa buhay dahil sa kahirapan. 

Mrs. Ghie Pangilinan is a 38-year old mom of four. She is the eldest sa tatlong magkakapatid. 

At kasabay ng pagsubaybay niya sa mga nangyayari sa buhay ng kanyang idol na si Heart, nag-aambisyon din si Mrs. Ghie na magkaroon ng maginhawang buhay. 

Year 2003 ‘yon nang nagsimula nang maranasan ni Mrs. Ghie ang mga pagsubok sa kanyang buhay. 

Noong mabuntis siya at ikasal siya sa kanyang mister, kinailangan ng kanyang asawa na sumakay sa barko noon at magtrabaho kahit one month old pa lang ang kanilang baby. 

Emotionally ay talagang mahirap para sa kanilang dalawa ang pansamantalang magkahiwalay dahil sa trabaho pero kailangan nilang gawin ‘yon para mas makapag-save sila for their future. 

Year 2004, via her modest savings, ang unang business na kanyang sinubukan ay ang pagbebenta ng burger at sari-sari store sa kanilang bahay nila para kahit paano ay makatulong siya sa mister niya na nasa ibang bansa.

And year 2005, gamit ang kaunti pang naipon nilang mag-asawa, nagtayo pa si Ms. Ghie ng isang telemarketing business. Pero sa kasamaang-palad, nalugi ito pagkalipas lang ng ilang buwan. Nabaon pa sila sa utang kaya no choice si Ms. Ghie nu’n kundi ang mamasukan sa Puregold para tulungan ang asawa niya sa pagbabayad ng kanilang utang. 

Also, let’s keep in mind na hindi lahat ng nagtatrabaho sa barko, tulad ng kanyang asawa, ay sobrang laki ang kinikita. Lalo na kung may mga binabayarang utang. Everytime na umuuwi nu’n si Mr. Pangilinan na may dalang ipon ay nauuwi lang tlahat sa pambayad ng utang.

Ms. Ghie stood up to face the challenge. Hindi siya sumuko sa kanyang ambisyon na magkaroon ng magandang buhay. 

Year 2009 ‘yon nang nag-attempt siya na mag-apply ng student visa sa London, England para doon makipagsapalaran but unfortunately ay hindi siya na-approve. 

Taong 2010 naman, sa tulong ng kanyang kapatid ay sinubukan din ni Ms. Ghie na magpunta sa Dubai ngunit after 2 months, dahil hindi siya nakahanap ng trabaho ay umuwi rin siya sa Pinas.

Kasagsagan ‘yon ng online businesses at pinasok ‘yon  agad ni Ms. Ghie nang walang takot sa pagkalugi. Sabi nga niya, “lakasan lang ng loob.”

Namamakyaw noon si Ms. Ghie ng mga produkto sa Divisoria at namili din siya ng mga gadgets, baby products and clothes, tsinelas at iba from China and USA para ibenta. Kaso, wala pa ring nangyari at natalo pa rin siya.

Year 2013, election month ‘yun when Ms. Ghie immediately saw the opportunity to do business kaya nagbenta sila ng election t-shirts kahit kailangan nilang lumuwas sa Manila at umarkila ng sasakyan para lang magawa ‘to. Malaki man ang nalugi ni Ms. Ghie sa business na ‘yon ay hindi pa rin siya sumuko. Ang main goal kasi niya nu’n ay ang mapatigil na sa pagsakay sa barko ang mister niya at mapauwi na dito sa Pinas ang kapatid niya na nasa Dubai. 

Pero isa na naman itong failure para kay Ms. Ghie. Naloko sila ng buyer nila sa Manila at wala pa silang pambayad sa inarkila nilang sasakyan.

It was also on the same year when Ms. Ghie saw a bit of light at the end of the tunel.

Year 2013 pa rin ‘yon nang nadiskubre niya at ng isa pa niyang kapatid ang rejuvenating skin care products. Na-isipan nilang mag-re-brand ng sarili nilang brand na tinawag nilang Speaks G. Seven thousand pesos lang ang puhunan niya nu’n at sa kabutihang palad, nagtuloy-tuloy na ang pag-asenso nila. 

Sa puntong ito, Lady Luck was already at her side. Napauwi niya na ang mister at kapatid niya sa Pilipinas at naging family business na nila ang skin care products na binibenta nila.

Pero kahit ramdam mong magiging maayos na ang lahat ay may dumarating pa rin na pagsubok sa buhay. Isa si Ms. Ghie sa nakaranas nito. 

Isa kasing malakas at malaking brand ang pumasok noong 2014 at dahil du’n nalugi ang kanilang mga produkto to the point na nagsara ang mga branches nila sa maikli at mabilis na panahon. 

“Masakit at nakakalungkot ang nangyari pero walang sukuan, lakasan lang ng loob,” Ms. Ghie said.

Para makabawi, naging distributor ng isa pang malaking skin care brand si Ms. Ghie. Tumagal naman ‘yon ng isang taon pero nagkaroon ng malaking aberya sa pagitan niya at ng naturang skin care brand.

Despite of all the hurdles, nanatiling matibay sina Ms. Ghie dahil alam nilang wala silang kasalanan o nagawang masama. They came to a point na zero na ang lahat ng kanilang negosyo. But the truth is, kapag binigyan ka talaga ng challenges ng buhay, nasa tao na ron ‘yon kung paano ka haharap o babangon mula dito. 

Taong 2015 ‘yon nang magkaroon ng isang kaibigan na skin care products manufacturer si Ms. Ghie at muli siyang sumubok na magtagumpay. Binigyan siya ng kanyang kaibigan ng terms and consignment para makapagsimula ulit ng negosyo at kahit wala ng savings at kahit ilang beses nang nabigo, tinanggap ni Ms. Ghie ang panibagong hamon. 

Nagtulungan sila ng asawa niya na magtiyaga sa bagong brand na ito na kinalaunan ay tinawag nilang Skin Magical. 

Sa una ay naging mahirap para sa kanila ang ibenta ang mga products dahil bago pa sa market. Pero sa sipag at tiyaga nilang dalawa, ito na pala ang susi sa tagumpay nila. 

Fast forward to year 2016, naging malakas ang Skin Magical brand nila sa market. Nagawa nilang buhayin ulit ang Speaks G Brand at nakabili na sila ng mga sasakyan para sa kumpanya. Nakabili na rin sila ng sarili nilang bahay at lupa.

Naging maganda at maayos naman ang takbo ng kanyang skin care business but last August 2018, sa kasagsagan ng magandang takbo ng negosyo ay isang pagsubok na naman ang dumating sa kanyang buhay at sa pamilya nila. Dahil sa sakit na Aneurysm, pumanaw ang isa sa mga kapatid niyang naging kasangga niya noon sa pagtatayo ng skin care business. Bagama’t masakit para sa kanila ang nangyari, naging motivation naman nila ito para mas mapalaki pa ang business para sa kanyang yumaong kapatid.

Ngayong taong 2019, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng Skin Magical business ni Ms. Ghie. Nagkaroon na siya ng iba’t ibang branches sa Luzon, Visayas at Mindanao. Tumutulong sila sa gustong mag-open ng negosyo at gaya ng ginawa sa kanya noon ng kanyang kaibigan ay pinapautang din niya ang mga deserving business-minded individual na gusto ring magsimula sa negosyo.

“All things are possible if you believe in the power of your dreams and hard work. Sabi nga, lakasan lang ng loob ‘yan. Huwag kang matakot magsimula!” Ms. Ghie, the Skin Magical matriarch concluded.

Leave a comment