May 23, 2025
Funny vlogger’s life story featured on ‘MPK’
Latest Articles

Funny vlogger’s life story featured on ‘MPK’

Dec 5, 2020

Tampok ang buhay ng isang vlogger sa upcoming fresh at brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong Sabado.

Maraming napapasaya online ang vlogger na si John Michael Villaflor.

Karamihan sa kanyang video ay mga comedy skits tungkol sa mga karaniwang sitwasyon at pangyayari sa buhay ng isa Pilipino. Minsan, gumagawa rin siya ng song covers at personal na vlogs tungkol sa kanyang pang-araw araw na buhay.

Bago naging vlogger, isang OFW o overseas Filipino worker sa Qatar si John. 

Nagsimula siyang mag-vlog noong 2019 dahil naaliw sa mga napapanood niyang vloggers noon sa YouTube.

Ano nga ba ang naging takbo ng buhay ni John bago naging isang matagumpay na vlogger?

Mula sa pagtatrabaho sa Qatar, umuwi sa Pilipinas si John para maging fulltime vlogger.

Madalas niyang makasama ang kapatid na si Von sa kanyang mga vlogs.

Pero hindi maiwasan ng magkapatid na magtalo kapag nagkaselosan kung sino ang dapat maging bida sa kanilang mga video.

Si Kapuso comedian Sef Cadayona ang gaganap bilang John at kasama rin sa episode sina Archie Alemania, Leandro Baldemor, Brent Valdes, at Marites Samson.

Huwag palampasin ang fresh at brand new episode na “Viral Beki Vlogger: The John Michael Villaflor Story” ngayong Sabado, December 5, 8:15 pm sa Magpakailanman (#MPK).

Leave a comment