
Kathryn-Daniel, the younger version of Sharon-Gabby
by Arsenio “Archie” Liao
Isa sa pinakamatagumpay na screen tandem noong dekada ’80 ang tambalang Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.
Katunayan, nakikita ng dating matinee idol noong ‘80s at accomplished drama actor noong ‘90s ang kasikatan nina Kathniel sa popularidad ng kanilang love team ng ex na si Megastar Sharon Cuneta noon.
Ano ang maibibigay mong advice kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla para ma-fortify pa ang kanilang love team?
“Natural na kasi sa kanila iyon. Iyong fortification naman, naroon na iyon dahil solid naman ang kanilang foundation. Eventually, dahil talented naman sila, they might do separate projects and still excel. But still, iyong charisma ng kanilang tandem, hindi na mabubuwag iyon,” sey ni Gabby.
Ano ang naging kunsiderasyon mo at tinanggap mo ang father role mo sa ‘Crazy Beautiful You’?
“I believe in the project. Maganda nga ang mga father roles dahil karamihan ng mga pelikula natin ngayon ay family-oriented. I could relate to the role dahil meron na akong mga anak. It’s close to my real-life role as a father,” paliwanag ni Gabby. “Habang tumatagal rin tayo sa industriya, mas lumalalim ang karanasan natin. Mas nakaka-identify tayo roon sa role. Marami tayong pinaghuhugutan na nagagamit natin para effective na maitawid natin iyong ipino-portray nating role,” dugtong niya.
Ayon pa kay Gabby, happy siya dahil reunion movie nila ito ni Lorna Tolentino, ang grand slam queen na isa sa pinaka-paborito niyang leading lady na nakasama niya sa mga hindi malilimutang mga obrang ‘Kislap sa Dilim’, ‘Narito ang Puso Ko’, ‘Pinulot Ka Lang sa Lupa’, ‘Nagbabagang Luha’ at maraming iba pa.
Bilib rin siya sa galing nina Kathryn at Daniel bilang mga individual artist na matagumpay rin bilang mga recording artist, product endorser at concert performer.
Papel ng isang amang gustong itama ang kanyang mga mali upang maging karapat-dapat sa pagmamahal ng kanyang anak na lalake ang binibigyang-buhay ni Gabby sa ‘Crazy Beautiful You’.
Mula sa direksyon ng box-office director na si Mae Cruz-Alviar, ang “Crazy Beautiful You” ay ipalalabas na sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa simula Pebrero 25.
Follow me…