
Gabby Eigenmann tries to protect his kids from the dangers of social media
Proud ang Kapuso actor na si Gabby Eigenmann sa kanyang role na Frank, isang closet gay sa pelikulang “Swipe.”
“It’s something different. Ibang gay character dahil I have a wife and a kid. They live in the province pero ako naman nasa Maynila dahil naroon ang trabaho ko,” pambungad niya.
Hindi naman naniniwala si Gabby na mata-typecast siya sa mga gay role sa muling pagtanggap niya ng kanyang role sa “Swipe.”
“Because I was offered gay roles, they got to see the comfortability in what I do, kaya siguro nila ako kinukuha. When you say typecast naman, it’s a phase,” aniya.
Wala namang karanasan si Gabby pag dating sa paggamit ng mga social dating apps tulad ng Tinder.
May mga kontrobersyal din siyang eksena sa pelikula kasama ang newcomer hunk na si Rob Moya, anak ng dating ‘80s matinee idol na si Jovit Moya.
“First time ko siyang ginawa. Ang fetish ko kasi ay iyong paa. In real life, weakness ko rin ang paa pero siyempre sa mga babae. Dito, kapag naghahanap ako ng prospect, ang tinitingnan ko sa net ay iyong paa. Pag maganda ang paa, okey na at booked na. May mga eksena nga kami ni Rob na I’m caressing his feet, so ganoon siya,” kuwento niya.
Bilang isang ama, hindi maiiaalis sa kanya na minsan ay mag-worry sa kanyang mga anak dahil sa malaking impluwensiya ng social media.
“Iba na kasi ang panahon ngayon, napakabilis na ng progreso ng ating technology. Siyempre, as much as possible, gusto nating ilayo sila sa mga harmful sites tulad ng mga pornographic sites at iyong iba pa, na easily accessible sa internet,” bulalas niya.
Dagdag pa niya, tulad ng ibang magulang, concerned din siya sa paghubog ng moral values ng kanyang mga anak.
“Siyempre, I won’t encourage them to visit iyong mga ganoong sites. Ako naman kasi as a parent, open ako sa kanila. Kung anuman iyong nadi-discover nila sa internet, we talk about it.”
INSIDE.
Sophie Albert inspired to do more movies
Isa si Sophie Albert sa mga homegrown talents ng TV5 dahil siya ang tinanghal na best actress noon sa Artista Academy, ang kauna-unahang artista search ng nasabing network.
Maraming plano sa kanya ang Singko pero hindi lahat ito nag-materialize dahil nag-pokus sa sports shows ang nasabing istasyon.
Hindi naman idinenay ni Sophie na na-depressed siya dahil sa kawalan ng proyekto sa naturang kumpanya kaya naisip niya na i-give up na lang ang kanyang career sa showbusiness.
Dugtong pa niya, ang kanyang pag-aartista sa ngayon ay hindi isang one-shot deal, subok lang o naka-depende lang sa kalalabasan sa box office ng kanyang launching movie.
“Na-realize ko na ito talaga ang gusto kong gawin. Nag-change na ako ng manager at si Tito Manny Valera na nga. Nag-change na everything. Hopefully, magtuloy-tuloy na siya,” sey niya.
Naging isyu rin kamakailan ang magkataliwas na pahayag nina Vin at Sophie tungkol sa kanilang paghihiwalay. Iginiit ng isa na nangyari ang kanilang hiwalayan bago pa man sila mag-shoot ng “Moonlight Over Baler” samantalang ang isa ay nagsabing nag-break sila noong ginagawa na nila ang pelikula. Dahil dito, maraming nagdududa kung talaga bang naghiwalay na nga sila.
Sa kanilang mga naging pahayag, ito ang masasabi ni Sophie.
“Pinag-usapan naman namin na magpopokus kami sa career namin. Kasi noong mga panahong iyon, fresh pa siya. Medyo, mahaba-haba kasi siyang proseso. Hindi naman siya parang snap shot na matatapos na lang, so talagang may process.”