
Gabby, hot daddy!
Ginulat naman ni Gabby Concepcion ang netizens sa kanyang balbas-saradong itsura na kung tawagin ng Kapuso actor ay “no shave, quarantine look.”
Sa kwelang Instagram post ni Gabby kung saan may hawak itong Saba, 18 days na raw siyang naka-lockdown sa Lobo, Batangas at tumubo na nang husto ang kanyang facial hair.
Sa susunod daw na 30 days ay baka sa puno na siya mag-vlog dahil buong katawan niya ay puro buhok na.
“Another 30 days baka sa puno na ako mag-vlog dahil buong katawan ko puro buhok na!”
Hindi naman napigilan ng mga anak nitong sina KC at Garie Concepcion na biruin ang ama at ihalintulad siya sa character ni Tom Hanks sa pelikulang Cast Away kung saan mistulang ermitanyo na ang bida matapos ma-stranded sa isang island.
Samantala, inaabangan na ang pagbabalik-telebisyon ni Gabby at ang first on-screen tambalan nila ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa GMA series na First Yaya.
Kwento ito ng isang kasambahay ng First Family na mahuhulog ang loob sa Presidente.
Makakasama rin nila dito sina Sandy Andolong, Pancho Magno, Cassy Legaspi, Kelvin Miranda, at Bae-by Baste.
*****
Mukhang hilig talaga ni Kapuso hunk actor Jak Roberto ang mga sasakyan dahil bukod sa pagmo-motor, invested din pala ito pagdating sa pagpapaganda ng kanyang astig na black pick-up truck.

Sa latest vlog ni Jak sa kanyang YouTube channel na may halos 1 million subscribers na, sinama nito ang kanyang viewers sa pagpapa-upgrade ng kanyang Ford Ranger sa isang auto shop sa Cubao.
Kwento ni Jak, bukod sa pagpapa-upgrade ng gulong at suspension, pinalagyan din niya ito ng special coating panlaban sa gasgas at putik.
“Nakaka happy lang na minsan ‘pag kino-compliment ‘yung sasakyan mo. Kasi ganoon ‘yung nafi-feel ko before eh. Alam ko ‘yung pakiramdam na ganoon. Nakaka-boost ng confidence. Pakiramdam mo, may achievement kang nagawa na kung tutuusin para sa ‘yo lang naman,” ani ni Jak.
Natuwa naman ang Kapuso viewers sa patuloy na pagiging humble ng magkapatid na sina Jak at Sanya Lopez sa kabila ng blessings na natatanggap nila, “Mababait ang magkapatid na Jak at Sanya. Maganda ang pagpapalaki sa kanila. Marunong makihalubilo sa kapwa. Kaya lalong pinagpapala. Keep it grounded guys.”
Samantala, muling mapapanood si Jak bilang Andoy sa pagbabalik ng hit GMA Telebabad romantic comedy series na Meant To Be kung saan kasama niya ang kanyang real-life sweetheart na si Barbie Forteza. Tunghayan ito Lunes hanggang Biyernes, 9:30pm sa GMA Telebabad.