May 24, 2025
Gardo Versoza to star in a movie produced by Nora Aunor?
Latest Articles

Gardo Versoza to star in a movie produced by Nora Aunor?

Jul 30, 2018

Marami na ang nakakapansin sa mga proyektong dumarating sa aktor na si Gardo Versoza.

Mukhang madalas na syang nalilinya sa Kapuso network.

“Wala naman akong contract sa GMA-7. Masuwerte, dahil palagi nila akong kinukuha sa mga teleserye,” sabi ng aktor.

Ang pinaka-latest nga niya ngayon ay ang “Onanay” na sa August 6 ang pagbubukas nito sa primetime series.

The series introduces new Kapuso Jo Berry who takes on the role of Onay. At siyempre, makakasama niyang muli ang Superstar sa said serye.

Nabuksan din namin kay Gardo ang tungkol sa pagiging malapit nito sa Superstar.

May plano kasi si Mama Guy na maprodyus muli at buksan ang kanyang NV Productions.

At ang pangalan ni Gardo ang lumutang na kasama sa project.

“Nakakatuwa naman ‘yan. Naaalala ko nung “Bituin” dun kami naging magkaibigan.

“Tapos, sa TV 5 at sa movie sa Hustisya.

“Magaan ang loob namin sa isa’t isa. Kakatuwa talaga,” sey pa ni Gardo.

Open pa ba siya na gumawa ng project sa ibang bakuran?

“Pwede naman. Kung saan may offer, siyempre dun tayo.

“Basta enjoy ako dito sa Onanay, magkapatid kami dito ni (Nora).”

Leave a comment