
Garie Concepcion gets support from boyfriend Michael Pangilinan
Pagkatapos nang matagal na paghihintay, natupad na rin ang pangarap ni Garie Concepcion na magbida.
Siya ang leading lady ng acclaimed Fil-Italian actor-director na si Ruben Maria Soriquez sa “The Lease,” isang horror movie na iprinudyus ng publishing magnate na si Mario Alaman at idinirehe ng Italian director na si Paolo Bertola.
Aminado rin siyang pinaghirapan niya ang kanyang pagbibida.
“I actually auditioned for the role. I found out from a friend on FB. Nag-post siya and then I asked him kung saan ang audition and luckily, I got the part,” aniya.
Pinaghandaan din daw niya ang kanyang audition piece.
“Actually, hindi ko alam na kailangan pala nila ng monologue for the audition. So, I got something off from the internet. It’s a monologue. I memorized it. Iyon lang pag-deliver ko, it was a live monologue. It’s about a girl longing for the love of her life, parang ganoon,” kuwento niya.
Masaya rin si Garie dahil in full force ang ina at mga tito nito sa maternal side sa pagsuporta sa premiere ng kanyang launching movie.
Suportado rin siya ng kanyang boyfriend na si Michael Pangilinan.
Katunayan, may proyekto siya under MML, ang kumpanyang itinatag ng boyfriend kasama ang ilang mga kaibigan kung saan kasama ang kanyang album.
Dahil ngayon pa lang umuusbong ang kanyang career, gusto raw niyang samantalahin ang pagkakataon kaya focused muna siya sa kanyang trabaho.
“Right now, I’m so focused on my career and I’m very lucky that I do have a boyfriend who’s very supportive of me. Ganoon talaga siya. Career-oriented kaming pareho . Hindi kami nagmamadali,” aniya.
“Ngayon ko lang nafe-feel na ito iyong pina-active year ko sa showbiz. Gusto ko talaga, gawin ko muna ito at pagbigyan ko muna ang sarili ko and then saka na ako mag-iisip kung magse-settle down,” dugtong niya.
Constant din daw ang communication niya sa kanyang Papa na si Gabby at elder sister na si KC.
“They’re supportive of me,” pakli niya.
Sobra rin daw siyang supportive sa kanyang ate na mas focused ngayon sa kanyang negosyo at mga adbokasya.
“Emotionally, I’m there for her. She updates me in everything she does. She knows naman that I’m there for always, in the same way that I’m also there for her. Kahit hindi physically, she’s always there,” pahayag niya.
Ang “The Lease” ay kuwento ng isang Fil-Italian family na lumipat sa isang bagong bahay na pinamamahayan ng mga galang espiritu at kung paanong naghatid ito ng sindak at lagim sa kanilang buhay.
Maliban kay Ruben, tampok din dito sina Edmund Santiago, Harvey Almoneda, Jill Demski, LM Torres, Princess Cruz, Red Ibasco, Agnes Pabalan, Kuya Manzano, Berna Cabrera, Mercedita Marasigan, Don Gordon Bell, Brigette Martin, Sean Guyamin at Arriane Mei Diaz Butch.