
Gary Estrada plans to run for higher office in 2016
Nagkaroon ng pagkakataong makapanayam ng Philippine Showbiz Republic (PSR) ang guwapong actor/politician na si Gary Estrada ng minsang makasama naming siya sa pagni-ninong sa isang kasalan sa may Quezon City. Sa tagal na nilang nagsasama ng asawang si Bernadette Allyson, sino ang makapagsasabing fourteen years na pala silang happily married kapiling ang kanilang mga anak?
“Oo nga e, parang kailan lang ‘yun tapos heto kami ngayon ni Bernadette at naka-fourteen years na and I would say that we’re so blessed for having a happy marriage at pagkakaroon ng healthy children. That’s why we really thank God for guiding us always,” nakangiting sabi pa niya sa Philippine Showbiz Republic (PSR).
Nalampasan na nilang mag-asawa ang halos lahat yata ng bagyo sa kanilang married life and yet nanatili silang matatag at hindi natinag ika nga. ‘Yung mga taong nagtangkang sirain ang pagsasama nila para sila’y magkahiwalay ay nabigong lahat.
“You know, If you really have a strong faith in God, there’s nothing impossible talaga e. Kami nga ni Bernadette, hindi rin kami makapaniwala na aabot ng ganito katagal ang aming pagsasama. Kasi nga hindi nawawala sa amin ‘yung communication, understanding & trust sa isa’t-isa. ‘Yun ang pinakaimportante,” aniya pa.
“Actually, sa pagsasama ng mag-asawa, wala naman talagang sikreto sa longevity. Basta ‘yung lagi lang kayong nagkakaintidihan at may tiwala sa isa’t-isa. I’m very sure na tatagal talaga ang pagsasama ninyo. Kahit ano pa ang gawin ng iba hindi sila magsa-succeed sa hindi magandang intensiyon nila na sirain ang marriage ninyo,” katuwiran pa ni Gary.
Pinatunayan naman nila iyon hindi lang sa kanilang sariling masaya’t buong pamilya kung hindi sa publiko lalo na sa mga taong laging ang prinsipyo sa kanilang buhay ay manira ng masayang pagsasama at mangwasak ng mga tahanan.
“That’s one thing that we hate most na ayaw naming mangyari sa aming pamilya. Kaya ‘pag hindi rin lang ako busy as an actor & as a politician, I see to it na makapag-bonding kami ni Bernadette kasama ang mga anak namin. Gaya last month talagang namasyal kami sa Europe at ang saya-saya talaga. Nakapag-unwind din kami pampatanggal stress at pressure sa trabaho,” sabi pa ni Gary sa Philippine Showbiz Republic (PSR).
Sa pagiging lingkod bayan naman niya bilang politiko’y marami na rin namang napatunayan si Gary kaya naman sa pangalawang termino niya bilang Board Member o Bokal ng Lucban Quezon ay wala kang maririnig na negatibong reaksiyon sa mga mamamayang naglagay sa kanya sa puwesto dahil serbisyong totoo naman ang ginagawa niya na hindi hinahaluan ng pagkukunwari gaya ng ibang politician na puro ‘pa-pogi’ lang ang alam.
“Alam ninyo kapag pinasok mo ang isang bagay na alam mong hindi basta-basta lang. Dapat handa ka at alam mo ‘yung responsibility mo bilang public servant. Kaya noong suwertehin tayong manalo bilang Board Member ng aming lugar, talagang hindi naman ako nangako sa mga tao. Mahirap kasi ‘yung mangako ka na mapapako in the end. Paano ka pa nila pagtitiwalaan kung gano’n di ba?,”depensa pa niya.
“For me, noong ilagay nila ako sa puwesto, hindi ako nangako sa kanila. Ginawa ko lang ‘yung sa tingin ko na makikinabang sila at matutulungan on my own little way. And I’m glad na kahit papano na-achieve ko naman iyon. Kaya kahit mas mahirap at ma-intriga itong mundo ng politics ay mas lalo pang naging challenge sa akin,” sabi pa rin niya.
Ibig bang sabihin ay naghahanda na siya sa 2016 National Elections para sa mas mataas na puwesto gaya ng pagiging Congressman, Governor o Vice Governor ng kanilang lungsod sa Lucban Quezon.
“Well, it’s too early to tell. Mahirap pa magsalita sa ngayon. Medyo matagal pa naman. But for me, talagang nasa plano ko naman na tumakbo rin sana nang mataas na puwesto. Pero kailangan siyempre na pag-isipang mabuti dahil hindi biro iyon. Once na napag-isipan ko ng mabuti at prepared na ako talaga hindi ko naman itatago iyon sasabihin ko agad,” pagtatapos pa ni Gary sa panayam ng Philippine Showbiz Republic (PSR).