May 22, 2025
Gary Estrada to receive recognition from World Class Excellence Japan Awards
Latest Articles This is it!

Gary Estrada to receive recognition from World Class Excellence Japan Awards

Jan 12, 2017

Bongga si Gary Estrada, huh! Tatanggap kasi siya ng award mula sa World Class Excellence Japan Awards ((WCEJA) bilang Most Outstanding Actor In Philippine Cinema, Television and In Public Service.

Ang awarding ceremony ay gaganapin sa January 28 sa Ballroom, Heritage Hotel Manila between 5:00-9:00 pm.

In fairness, deserving naman si Goryo sa award na ibinigay sa kanya ng WCEJA. Malaki rin naman ang naging kontribusyon niya sa showbiz at naging mabuti naman siyang politician nung naging konsehal at bokal siya.

At kahit nga wala na siya sa politika ay patuloy pa rin siyang tumutulong sa mga nangangailangan sa kanilang bayan sa Quezon. Our congratulations, Goryo!

Hindi pa rin matatapos-tapos ang isyu kay Ken Chan na diumano’y bading siya. May nagkakalat ng balita na nahuli siyang nakikipaghalikan sa isang lalaki sa isang bar sa Makati.

Nang makarating yun kay Ken, dinenay niya ito. Paano raw nasabi o nahuli siyang nakikipaghalikan sa isang bar ganung hindi naman daw siya nagpupunta ng bar?  O di ba, iniintriga lang talaga si Ken?  Basta para sa amin, hindi bading si Ken. Bading lang siya sa seryeng ginawa niya na Destiny Rose, pero sa totoong buhay ay lalaki siya, sa totoo lang.

Leave a comment