
Gelli de Belen denies speculations that her marriage with Ariel Rivera is on the rocks
by PSR News Bureau
Sa tagal nang panahon na namuhay bilang mag-asawa sina Gelli de Belen at Ariel Rivera, pinatatag na ang kanilang relasyon ng mga intriga magmula pa noong panahong mag-nobyo pa lang sila. Ano ang sikreto ng kanilang 18 years na pagsasama?
“Si Ariel ang sikreto. Siya ang susi. He’s very patient with me,” bulalas ni Gelli. “Kasi para sa akin, natural sa babae na unahin palagi ang kanyang pamilya, laging dapat ay number one iyan. Pero kapag ang lalaki na ang maging ganun ka-committed sa pamilya, bihira yun sa atin, lalo’t higit dito sa Pilipinas.”
“At this point in time, parang ‘pag sinabi ni Ariel na ‘My family is my priority,’ it’s true. Yun ang ugali ni Ariel na gustong-gusto ko. He makes sure that he prioritizes his family. Kami lagi yung inuuna niya. Marami man siyang kinailangan i-decline because of us.”
“Sa babae, normal yun na kinakaya balansehin lahat ng bagay. Pamilya lagi yung nakasanayan nating pagtutunan ng pansin, pero si Ariel, he’s like that. He knows his priorities well,” pagmamalaki pa niya sa kabiyak.
Aminado rin naman si Gelli na katulad ng ibang couples, may panahon na nagtatalo rin sila ni Ariel. “We would probably disagree, pero walang argument,” tugon ni Gelli.
At ang kadalasan daw ng hindi nila pinagkakasunduan ay ang pagkakaiba nila ng opinyon. “But we make it a point to respect each other’s opinion.”
Mariin ding itinanggi ni Gelli ang balitang nagkakalabuan na raw ang relasyon nila ni Ariel. “Hindi iyan totoo. Ewan ko ba kung saan nanggaling iyang balitang iyan! Sabi ko nga, ‘Talaga lang.’
“Miski si Ariel, tinawagan ako, sabi niya, ‘You know what? My golf friend was asking me if I’m okay…he said magkahiwalay na raw tayo!”
“Sabi ko, ‘Saan naman nanggaling yun?”
Although hindi naman daw perpekto ang relasyon nila. Wala nga lang daw selosan na nangyayari sa pagitan nilang mag-asawa. “Selosa ako, inaamin ko naman, pero hindi ako nang-aaway.”
Hindi rin daw niya matuturing ang sarili bilang isang nagger. Likas na madaldal lang daw siya at may pagka-kikay sa pananalita pero matagal na panahon na raw nung huli siyang nakaramdam ng pagseselos. Kampante naman na raw siya sa kanyang asawa pagkat alam na alam nito kapag nagseselos na siya.
Nagbabalik-pelikula si Gelli sa isang indie film na may pamagat na Si Tita Ang Mamay Ko, isa sa mga pelikulang kalahok para sa Anak OFW Film Festival. Kasama ni Gelli sa naturang pelikula sina Nicole Dulalia at Andrea del Rosario, sa ilalim ng direksyon mi Jenmy Pearl Ninalga.
Ayon kay Gelli, sobrang excited nga daw siya dahil ito ang kauna-unahang indie film na kanyang nagawa. Sa tagal na nga naman ng inilagi ni Gelli sa mundo ng showbiz, ngayon lang siya na bigyan ng pagkakataon na makagawa ng isang indie movie, ung kaya’t lubos niyang ipinagmamalaki ito.