
Gelli de Belen talks about the uniqueness of ‘Solved na Solved’
May bagong show si Gelli de Belen sa TV5, ang Solved Na Solved na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 11:30 ng umaga. Isa itong public affairs/infotainment program. Co-host dito ni Gelli sina Arnel Ignacio at Atty. Mel Sta.Maria. Ang naturang show ay halos pareho ng format ng huling show na ginawa ni Gelli sa Kapatid network, ang Face The People. Pero ayon kay Gelli, malaki pa rin ang kaibahan ng Solved Na Solved sa Face The People.
“Ang kaibahan ng Face The People, doon pinagsasama-sama namin ang lahat ng may problema. Bale ‘yung nagrireklamo, ‘yung inirereklamo at lahat ng mga characters sa kwento nila pinagsasama-sama namin para ma-solve yung problema,”simulang sabi ni Gelli sa panayam sa kanya n g Philippine Showbiz Republic (psr.ph) at ng ilang entertainment press.
Patuloy niya, “Eto naman ang problema rito, ang legal aspect, ang parang pinakikialaman namin kumbaga.
“Isang topic lang kami rito and we only concentrate on that problem. Kahit na sabihin mong halos similar kasi may problema rin pero eto kasi puro legal aspect e.
“It’s all how you solve it, how to fix it, how that person can solve the problem.
“Kasi dun sa Face The People as a whole, how to solve his own problem with all the characters involved.
“Lahat ‘yun pagbabatiin mo, ire-reconcile mo aayusin kung ano ang dapat ayusin. Malawak masyado ang sakop ng isa.
“Eto kasi, thirty minutes lang so if legal advice is needed, ayan.
“At saka kasi rito, parang mas nai-inform ‘yung mga tao sa mga karapatan natin. Tayo kasi, we don’t know ‘yung mga legal terms or whatever. Kung ano man yung mga karapatan natin, we’re not aware.”
Dahil nga sa Solved Na Solved, nagiging aware si Gelli sa mga rights niya bilang isang Filipino.
Karamihan ng mga shows na binibigay o natatanggap ni Gelli ay pulos hosting. Hindi ba niya nami-miss naman ang gumawa ulit ng mga drama series?
“Nami-miss,” pag-amin ni Gelli
“Last year naman, I did Confession of a Torpe which seem like it was a comedy, which really it was. Kaya lang may drama rin siya. So I guess the best of both worlds kasi may drama rin ‘yun.
“Pero nami-miss ko yung talagang drama.”
Follow me…
Rommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente