
Geoff on sexy roles: “I can be more daring. I think all Eigenmanns are exhibitionists.”
by Ronald Rafer
Pinag-aagawan si Geoff Eigenmann ng dalawang babae sa ‘Kailan Tama Ang Mali’, sina Max Collins at Empress Schuck. Isa itong drama na medyo maselan ang kuwento na may konti ring pa-sexy. Mula sa mga fantasy at drama, patungo na sa mga matured at mapaghamong papel ang aktor.
Mukhang game na game na sa pagpapa-sexy ang guwapong si Geoff Eigenmann. Mukhang sa tunay na buhay ay ganundin na pinag-aagawan at hinahabol siya ng mga babae.
Sino kaya ang mas pipiliin niya kina Max at Empress in real life? At paano niya ikukumpara ang dalawang maganda at seksing mga babae?
“Magkaiba sila, eh. ‘Yung kay Max, medyo tender.. kasi wife ko siya. Yung kay Empress, mas lust,” tawang sabi ng aktor.
In real life ba eh, na-obsess na ba siya sa isang babae?
“If you’re in a relationship, ipaglalaban mo ‘yun. Siya lang ‘yun. ‘Yung obsession kasi is like you’re stalking a person and it happened to me during my high school days. I considered it stalking kasi sinusundan ko talaga siya. Sobrang ganda nung girl, eh. Wala namang nangyari, hanggang dun lang kasi I was very young then,” kuwento ng aktor.
Isa si Geoff sa may pinakaguwapong mukha among our male actors. Isa si Geoff sa mga tinilian at pinalakpakan nang rumampa sya sa Cosmo Bash. Dun, nagpasilip ng konting “sexiness” ang binata nang magsuot siya ng sexy underwear to the delight of his fans, mapababae man o lalake.

Ngayon kaya ay madi-dare siyang gawin ulet iyon?
“Tingnan natin… matagal pa naman ‘yun.. September or October pa. May time pa to prepare. It’s just a matter of focusing kung mas malalagpasan ko pa ang ginawa ko dun.”
Ibig niyang sabihin, mas kaya pa niyang ibaba ang underwear niya at mas maging daring pa?
“Yeah… I guess so. I can be ano naman… I mean lahat naman yata ng Eigenmann may pagka-exhibitionist so, I guess, kaya pa. Ha ha ha!” tawang sabi ni Geoff.
Kaya ba niyang gawin ang pelikula na mala-Fifty Shades of Grey?
“I’m actually compared to Christian Grey ( Jamie Dornan). Ha ha ha! Well, may mga nagsasabi nga… marami ang nagsasabi na kahawig ko raw si Jamie Dornan. Marami ang nagku-compare. Nakakatawa nga, eh. But I haven’t seen the movie yet. I haven’t read the book. But I’ve heard about the book. I’ve been told na physically na pareho or kamukha ko nga raw. Kulang lang [ako] sa height. Very familiar nga raw,” pakli pa ng aktor.
Mukhang game nga sa pagpapa-sexy si Geoff at sinabi niya na given a sexy role kailangang paghandaan.
“Preparations of course. Physically and emotionally. Sa tingin nyo ba isa akong Eigenmann, hindi ko kakayanin’yun?” at muling natawa ang aktor sa hirit niya.
Sino naman ang pipiliin niyang leading lady sakaling sobrang sexy ng pelikulang ibibigay sa kanya?
“That I can’t answer. Hindi mo masasabi, eh. Well, marami tayong artista na magagaling at magaganda na ang seseksi pa. Siguro, kung sinuman siya… dapat ready rin siya sa gagawin naming,” huling tsika pa ni Geoff sa pagtatapos ng aming tsikahan.