May 24, 2025
Gerald Anderson disclocates shoulder but is now okay
Home Page Slider

Gerald Anderson disclocates shoulder but is now okay

Aug 3, 2015

by PSR News Bureau

photo credit: JerryTelan
photo credit: Jerry Telan

Sa isang maling pagtukod niya, naaksidente ang aktor na si Gerald Anderson sa rehearsal para sa opening number nito sa “ASAP.” Ayon sa balita, sa pagsasayaw at pagback-flip ng aktor, namali siya ng pagtukod na dahilan kung bakit nagkaroon ito ng dislocation sa kanyang kaliwang balikat. Kaagad namang naisugod sa St. Luke’s Medical Center ang aktor at nabigyan ng kaukulang lunas. Naibalik na rin daw ang pagkakadislocate ng balikat ni Gerald at binigyan na rin daw ito ng pain reliever. Si Rayver Cruz ang humalili kay Gerald sa nasabing production number habang ang aktor naman ay kasalukuyang nagpapagaling na.

Wala naman na daw dapat pang ikabahala ang fans dahil ligtas naman na daw si Gerald. Kinakailangan nga lamang dumaan si Gerald sa rehabilitation upang manumbalik muli ang lakas at pagiging normal ng kanyang na-dislocate na balikat.

Mula sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph), get well soon Gerald!

Leave a comment

Leave a Reply