Gerald denies Janice De Belen caused his breakup with Maja Salvador
KAPAMILYA STAR PATROL – Nalulungkot ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson dahil may mga taong nasasangkot sa issue tungkol sa paghihiwalay nila ni Maja Salvador na hindi na dapat nadadamay pa. Hangga’t maaari ay ayaw na ng aktor na palakihin pa ito. Hiyang-hiya na nga siya dahil of all people ay si Janice De Belen pa ang nadadawit dito na isa sa malapit niyang kaibigan at nakasama niya dati sa seryeng ‘Budoy’ noon. Nilinaw ni Gerald sa Philippine Showbiz Republic (PSR) na walang katotohanan ang mga naglalabasang tsismis sa kanila ni Janice.
Aniya, “Hindi ko nga alam kung papatulan ko pa ‘yan. Nakakahiya sa pamilya ni Ate Janice. Tinext ko nga siya. Tinanong ko kung okay lang sila kasi napakawalang kwenta naman ng istorya na iyan. Sana tigilan na nila kasi nakakahiya na sa ibang tao.”
“Ako na lang ang i-bash, huwag na madamay ‘yung ibang tao. Mabuti na lang napaka-understanding ni Ate Janice. Of course, okay pa rin kami, Nanay ko ‘yun.”
Mula raw nang makasama niya si Janice sa ‘Budoy’ ay naging close na sila at maging si Maja ay naging malapit din dito nang magsama naman sila sa seryeng ‘Ina, Kapatid, Anak.’
Meanwhile, matapos ipahayag ni Gerald that he and Maja are taking a break from their relationship, ipinangako nito na pagtutuunan niya ng pansin ang kanyang sarili, ang kanyang pamilya, sports at trabaho muna.
Pahinga muna raw ang kanyang puso ngayon.
“Happy naman ako. Itong taon na ‘to, puro trabaho, puro pamilya ko at sarili ko ang [focus] ko this year. Magpapahinga muna [ang puso ko],” sambit ni Gerald.
“Ewan ko kung napapansin ninyo sa Instagram ko, pero wala akong ginagawa kundi mag-work out or mag-basketball. ‘Yung [sports and] ‘yung trabaho, ang makapagpasaya ng tao. Yung ‘Nathaniel,’ yun lang ang iniisip ko ngayon, ‘yun lang ang focus ko,” paliwanag pa ni Gerald.
Nilinaw din ni Gerald na sa kabila ng break up nila ni Maja ay sobrang okay pa rin sila sa isa’t isa. Friends sila.
“Siyempre naman. Hindi naman po biro ang pinagdaanan namin. As long as nandoon ang respeto namin,” pagtatapos ni Gerald.
[divider]
Regine Velasquez is one proud mom
KAPUSO CHIKA MINUTE – Bukod sa pagiging ‘Asia’s Songbird’ ni Regine Velasquez, isa sa ipinagmamalaking role niya ngayon sa kanyang buhay ay ang pagiging ina sa ‘unico hijo’ nila ni Ogie Alcasid na si Nathaniel James o Nate. Sobrang ini-enjoy daw niya ang pagiging mommy at proud siya na lumalaking good boy si Nate.
“Everything in my life changed completely when I became a mom. Nate is turning 4 in November and he’s not a spoiled brat but very well behaved. He’s also very intelligent as he started reading when he was only 2 years old. Ogie and I are really so proud of him. He reads a lot so he now has a wide vocabulary. We’re training him to speak fluently in both English and Tagalog. Motherhood is a wonderful experience for me and I learn something new about being a parent everyday,” kuwento ni Regine sa Philippine Showbiz Republic (PSR).
Naitanong din kay Regine ang tungkol sa muling pagsasama ng kanyang asawa at ni Janno Gibbs sa isang istasyon, ang TV5. Isang musical-game show ang nakatakdang pagsamahan ng dalawa.
“I’m very happy, kasi alam mo yung asawa ko, miss na miss na niya si Janno.
And I know also for a fact that Janno miss working with Ogie. So, I’m happy that they’re together again. The tandem is back. Kasi alam naman natin na naging successful yung tandem na yun. They’re both very talented, very funny, witty, and smart,” pahayag pa ng magaling na singer.
Totoo rin ba ang kumakalat na balitang may plano siyang sumunod sa asawa sa TV5?
“No, even if I want to, I cannot because I’m still under contract with GMA-7. And I have no plans of moving kasi ang bait naman ng GMA sa akin. As of now, my only show with them is ‘Sarap Diva’ and it’s my choice. I’m glad they understand now that Nate is in his formative years, I really want to spend more time with him,” diretsahang sagot pa ni Regine.
Wala rin daw katotohanan ang balitang tinanggihan niyang makasama sina Ariel Rivera at Ai Ai delas Alas sa teleseryeng ‘Let The Love Begin.’
“That’s not true. Bakit naman ako tatanggi na makasama sila? Si Ariel, I just worked with him in the musical drama special we did with Julie Anne San Jose last Christmas. At si Ai Ai, okay naman kami. I had to turn it down kasi when it was offered to me, one week na lang magte-taping na. E, ang dami ko ng natanguang ibang commitments so I had to beg off. They’re now offering me another TV series na pinaghalong drama at comedy and I’m considering doing it,” sagot pa niya.
Pagdating naman sa anak niyang si Nate, naitanong kung may chance ba’ng magkaroon din sila ng show someday gaya ng anak ni Kris Aquino na si Bimby?
“Personally, ayoko sana na masyadong ma-expose si Nate kasi masyado pang bata. I mean, okay lang sa akin sa Instagram kasi it’s my personal account. But for a show, iba kasi pag TV na ang usapan.”
But if ever papayagan ba niyang mag-artista someday si Nate?
“Kung ako ang masusunod, ayoko. Kasi siyempre, alam ko na medyo mahirap being in the business. ‘Yung wala kang masyadong privacy. Pero parehong nasa showbiz ang kanyang parents kaya hindi malayong mag-artista din siya pero hahayaan namin siyang mag-decide pagdating ng araw,” pahayag pa ni Regine.
[divider]
Vin Abrenica and Sophie Albert are happy to be working together
KAPATID SHOWBIZ KONEK – Mula nang magkasama sina Sophie Albert at Vin Abrenica sa TV5’s reality talent search na Artista Academy noong 2012 ay hindi na naputol ang kanilang magandang samahan. In fact, proud si Vin sa kanyang special girl dahil napaka-secure nito sa kanilang relasyon. Siya pa nga raw ang mas seloso talaga.
“Actually, that’s what I like about her. She’s very secure. She knows she’s beautiful kaya hindi siya nai-insecure of other girls. Minsan nakakatampo for me kasi hindi siya nakakaramdam ng selos.”
“Siya (Sophie) pa ang nagsasabi na, ‘Go out with your friends. Gumimik kayo,” kuwento pa ng Kapatid star na si Vin sa Philippine Showbiz Republic (PSR). na bida sa Wattpad Presents ‘Marry You.’
Aminado rin ang bida ng Wattpad Presents ‘Marry You’ na si Vin na noon daw ay pinagselosan niya si Edgar Allan Guzman noong nasa Kapatid network pa ang binata. “That time naman, bago pa lang kami nun, wala pa kaming alam sa showbiz. Kinausap ko siya [Edgar Allan]. Sabi ko, ‘Kuya, may bed scene yata kayo. Anong gagawin ko?’
“Sabi niya, ‘Hindi, bro, ganito ‘yan…’ In-express ko lang naman yung nararamdaman ko. Alam naman din ni Edgar, tropa kasi kami ni Edgar.”
Pero ngayon daw ay masasabi niyang mas mature na sila sa pag-handle ng kanilang relasyon.
“We have a rule. It doesn’t matter who’s right or wrong, basta kung sino ang unang nakasakit, siya ang unang magso-sorry. Siya ang dapat na manunuyo.”
Masaya rin si Sophie sa balik-tambalan nila ni Vin at pagiging magkatrabaho ulit. Pagkatapos kasi nilang gawin ang Wattpad Presents ‘Fake Fiancé’ noong isang taon ay pansamantala silang pinaghiwalay at ipinareha sa ibang artista sa sumunod na ginawa nilang Wattpad episodes.
“I’m just happy that we’re doing a project together again. It’s like home when we’re together, so I’m happy that we did it again.”
Na-miss niya ba ang paggawa nila ng proyekto na magkasama?
Sagot ni Sophie, “Oo naman, na-miss ko yung magkasama kami on the set, magkasama kami sa mga eksena, and working with him. Kasi nga, he’s my biggest critic, so I enjoy working with him,” pahayag ni Sophie.