
Gerald Santos’ Valentine concert: ‘All of Me’
by Rommel Placente
May Valentine show si Gerald Santos na gaganapin sa February 13 and 14 sa Serendipity Lounge ng Discovery suites sa Ortigas Avenue billed as ‘All Of Me’. Special guest niya rito si Zendee Rose.
“Dito sa concert ko, puro standards songs yung maririnig sa akin. But hindi pa rin mawawala ‘yung mga OPM songs, ‘yung mga pop songs, ‘yung mga latest songs ngayon pero bibigyan namin ng twist na standard pa rin yung dating,”sabi ni Gerald nang makausap siya ng Philippine Showbiz Republic (PSR) sa presscon ng kanyang concert.
“Intimate lang ‘tong concert na ‘to, para sa mga lovers at kahit hindi sa mga lovers, ‘yung mga mahilig makinig ng music, welcome na welcome sila sa concert ko,”aniya pa.
Walang special someone si Gerald na manonood ng kanyang show, wala siyang Valentine date, dahil zero pa rin hanggang ngayon ang kanyang love life.
“Hindi ko muna iniisip yung tungkol sa love life ko. Hindi yun ang priority ko. Sinasamantala ko muna habang bumubuhos yung mga blessing ngayon. Strike while the iron is hot, kumbaga.
“Ang career ko muna ang priority ko bago ang love life. Love can wait. I’m still young pa naman, eh.”
May bagong album na ilalabas si Gerald Santos, ang ‘Gerald Santos.. Kahit Anong Mangyari’. All original yung mga songs na nakapaloob sa bago kong album. Abangan nila yan, coming out very soon
Follow me…
Rommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente