May 23, 2025
“We’re getting stronger each day.” –Bea Alonzo on boyfriend Zanjoe Marudo
Home Page Slider Latest Articles Movies

“We’re getting stronger each day.” –Bea Alonzo on boyfriend Zanjoe Marudo

Nov 12, 2015

by PSR News Bureau

bea alonzo Taliwas sa mga napapabalita, mariing itinanggi ng aktres na si Bea Alonzo ang balitang nagkakalabuan na raw sila ng nobyong si Zanjoe Marudo. “Of course, just like any couple, we do have our differences. There really was a time na we’ve had a problem. But we’ve tried our best to fix whatever it was,” bulalas ni Bea. “Siyempre lahat naman tayo may pinagdadaanan na ganun. Wala naman kasing taong perpekto. Siguro, hindi ninyo mahal ang isa’t-isa kung wala kayong pinagdaraanan. Pag ganun kasi, hindi iyon healthy na relasyon. A relationship is full of misunderstandings and love. Mahal ninyo ang isa’t-isa kung may pakielam kayo sa isa’t-isa.”

bea alonzo 2May alingasngas rin kasi na hiwalay na raw kayo ni Zanjoe? “No, we’re still together. In fact, we’re getting stronger each day,” dagdag pa niya. Excited na rin si Bea sa sequel ng kanilang pelikulang “One More Chance.” “Sobrang tagal na mula nung ginawa namin ni John Lloyd yung first film. It was in 2007 pa where people saw the love story between Basha and Popoy.”

Kaya naman sa pagbabalik nila on the silverscreen at pag-reprise ng kanilang respective roles as Bash and Popoy mas kapanapanabik ang kanilang mga magiging eksena. “Unang-una, mag-asawa na kami ni Popoy dito. Hindi naman kami talaga nag-expect na magkakaroon ito ng sequel, pero madami ang nag-request.”

John Lloyd Cruz and Bea AlonzoKinakabahan nga raw si Bea dahil hindi niya alam kung paanong muling tatanggapin ng mga manonood ang mga pagbabago sa karakter nina Popoy at Basha sa “A Second Chance.”

Pero isa lang ang sigurado niya, pinaghandaan daw nila ito ni John Lloyd para sa fans at hindi mabibigo ang manonood ng naturang pelikula. “Lahat kayo makaka-relate dun sa mga characters namin. Wala kayong itatapon sa bawat eksena namin. Kay asana magustuhan ninyo yung movie,” pagtatapos ni Bea.

Mapapanood na sa mga sinehan ang “A Second Chance” simula November 25.

Leave a comment

Leave a Reply