May 22, 2025
Gil Portes talks about his journey with “Hermano Puli”
Featured Latest Articles Movies

Gil Portes talks about his journey with “Hermano Puli”

Sep 15, 2016

Napili na ang Philippine entry sa 2017 Oscars bilang kinatawanan ng bansa sa kategoryang best foreign language film sa susunod na taon.

 

Hindi man pinalad na napili ang kanyang obrang “Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli” at hindi na matutupad ang kanyang pangarap na makarampa sa red carpet sa Academy awards, malaki pa rin ang pasasalamat ng beterano at award-winning director na si Gil Portes na nakagawa siya ng isang makabuluhang pelikulang maipagmamalaki niya.

 

“I have turned 71 and I want this movie to be my legacy to the young generation. I want them to inspired by the story of our forgotten hero, Hermano Puli,” bungad niya.

 

Hindi naging madali ang journey ng “Hermano Puli” dahil marami itong dinaanang pagsubok bago ito naging isang ganap na pelikula.

 

Ang “Hermano Puli” ay kalahok dapat sa 2015 Metro Manila Film Festival. Katunayan, kasama siya sa magic ‘8” na unang inanunsyo noon.

 

Pero, hindi ito natuloy dahil sa nagkaroon ito ng problema sa funding ng proyekto.

 

May producer na nagka-interes na mag-finance nito sa kundisyong ita-tieup ang leading man nito  sa  isang produkto na wala namang kaugnayan sa kuwento ng karakter nito  kaya hindi ito  kinagat ng magaling na director.

 

Dahil dito, napagdesisyunan ni Direk Gil na mag-back out na lang sa 2015 MMFF para maiwasan na ring magbayad ng napakalaking multa at dahil na rin sa kapos na ang kanilang panahon para makahabol sa deadline ng taunang festival.

 

Matagal na rin niyang inilapit ito sa pamahalaang lalawigan ng Quezon dahil ang alamat at kuwento ni Hermano Puli ay nangyari sa Katagalugan.

t0822pule

Gayunpaman, hindi nawalan ng loob ang premyadong director na makakahanap din siya ng producer na susugal sa kanyang proyekto at ito nga ay natagpuan niya sa  self-made at kilalang restaurateur na si Rex Tiri.

 

Pero paano nga ba nabuo ang proyektong “Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli”?

 

“Taga-Quezon province kasi ako. I live in Pagbilao, Quezon. Noong araw, hindi ko rin kilala si Hermano Puli. I was shooting “Miguel and Michelle” noong  1997. It was a movie about sex change. During the break, noong nagkakape-kape kami ni Mylene Dizon, who’s a member of cast, may isang matandang babaing lumapit sa akin. May ibinigay siyang materyal na kung puwede raw ay basahin ko at iiwanan daw niya sa akin. Sabi niya, baka raw magandang gawing pelikula. Naging curious ako sa materyal na iyon at naging interesado sa buhay ni Hermano Puli who’s a forgotten hero. Sabi ko, isasama ko siya sa bucket list ng mga pelikulang gusto kong gawin,” kuwento niya.

 

Ano ang kanyang dahilan at ginawan niya ng pelikula ang buhay at kabayanihan ni Hermano Puli?

 

“I think it’s a story that needs to be told. Si Hermano Puli kasi ang itinuturing na Kristo ng mga Tagalog at magandang ehemplo at inspirasyon ang kanyang naging buhay sa lahat, hindi lang sa ating kabataan,” paliwanag ng premyadong director.

 

Nilinaw din ng butihing director na hindi niya nilo-lobby na kilalanin ng National Heroes Committee o National Historical Commission  si Hermano Puli bilang isang pambansang bayani kaya niya ginawa ang naturang pelikula.

 

“Wala kaming sinusuportahang grupo. Gusto lang naming ipakita ang kadakilaan ng isang martir na pinatay sa pagtatanggol sa kanilang karapatan noong panahon ng mga Kastila,” pagtatapos niya.

 

Ang “Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli” ay mula sa panulat ng Palanca-award winning screenwriter na si Eric Ramos na masusing sinaliksik ang   buhay ni Apolinario dela Cruz, isang pari  na nagtatag ng Cofradia de San Jose noong 1832 para labanan ang mapanikil na rehimen ng mga Kastila.

 

Bida sa “Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli” ang Kapuso actor na si Aljur Abrenica.

 

Kabituin niya sina  Vin Abrenica,Louise de los Reyes, Kiko Matos, Markki Stroem, Enzo Pineda, Dennis Coronel, Alvin Fortuna, Jess Evardone, Benjie Felipe, Abel Estanislao, Allen Abrenica, Menggie Cobarubias, Diva Montelaba, at marami pang iba.

hermano-puli-709x1024

 

Ito ay mapapanood na sa mga piling sinehan sa buong bansa simula sa Septiyembre 21.

Leave a comment