
Gladys Reyes and husband Christopher Roxas will be renewing their vows

Naikuwento ni Gladys Reyes kung ano ang sikreto ng kanilang pagtatagal bilang mag-asawa ni Christopher Roxas nang maka-chika ng Philippine Showbiz Republic (PSR) sa bagong programa na ‘Let the Love Begin’ na nagkaroon ng initial telecast kagabi sa Kapuso network.
“Kaya kami nagtagal ng ganito kasi kilalang-kilala na ko ni Christopher. Alam na alam niya na maingay lang talaga ako, pero actually, isa ‘yun sa binago ko na rin. Hindi naman ‘yung katulad na kontrabida na ginagawa ko eh, pero siguro kaya lagi akong paos kasi nga madaldal kasi ako, tapos siyempre nakaka-bwisit din naman yung ganun diba?,” paliwanag nito sa amin.
‘’Bilang ina ng tahanan at asawa, dapat priority mo yung pamilya mo palagi kaya’t todo-asikaso ako sa kanila. Pero working mom din ako, ang dami kong ginagawa bilang board member ng MTRCB (Movie and Television Review Classification Board) at bilang isang artista.”

“Si Christopher (asawa ni Gladys) ever since hindi siya showbiz kaya hindi ‘yon naging issue sa amin yung pagiging busy ko kasi naiintindihan naman niya yung trabaho ko. “Minsan parang pagod na pagod na ako sa pag-uwi ganyan, tapos ito namang asawa ko kahit na gaano pa kapagod ‘yung mga lalaki alam mo na siyempre naghahanap ng lambing, eh ikaw parang yung plastado kana pero hindi kailangan pala talaga na mag-effort ka talaga. Hindi dapat ma-feel ng asawa mo na he’s being taken for granted. You may think everything is okay, ang hindi mo alam, baka may kinikimkim na lang pala ‘yung asawa mo sa iyo. Kami ng asawa ko, we talk about everything. Communication is always important.”
“Sa magkarelasyon, mahalaga na lagi silang mag-reality check hindi ‘yong parang routine na lang lahat.”
“Kailan ninyo balak sundan yung bunso ninyo?
“Hindi ba parang sarado na ang ‘tindahan,’ 37 (years old) na ako parang iniisip ko lang na mag-uumpisa na naman ako mag-breast feed parang ang hirap. Youngest child ko is 4 years old, followed by 6, at saka 9, pero ang ganda ng pagitan nila kasi boy, girl, boy yung middle child ko hindi siya magsu-suffer ng middle child syndrome kasi only girl siya. Yes! Feeling niya protected siya ng mga kapatid.”
Ilang years na kayo ni Christopher?
“Bilang boyfriend and girlfriend,1992 pa kami. Nagpakasal kami noong 2004, bale 22 or 23 years na kaming together. Balak ko, hindi ko na aantayin ‘yung 25th wedding anniversary pero 25th year of togetherness kasama ‘yung boy friend-girlfriend para naman bagets pa kami sa 25 years kung kalian gagawin ‘yung renewal ng vows, pwede naman yun sa Iglesia (ni Cristo) eh.”
“Hindi ko nanamnam nung kinasal kami eh, hindi ko nakita kasi overwhelmed ako. Feeling ko kasi ang dami kong napagdaanan, nu’ng lumalakad ako hanggang sa matapos ‘yung wedding humahagulgol ako dahil sa dami ng napagdadaanan ko at all moments… ngayon sa anniversary naming, promise nanamnamin ko na. At saka ang cute yung idea na lalakad ‘yung anak mo na 4 years old na ‘yon ‘yung ring bearer… tapos pinaka-best man ko ‘yung anak ko na lalaki na si Christoph, tapos bridesmaid ‘yung anak kong babae. Life is short. Hindi mo masasabi ‘yung panahon, kaya dapat lahat samantalahin,” dagdag pa ni Gladys na host ng ‘Moments’ sa Net 25.
Mapapanood si Gladys sa ‘Let The Love Begin’ sa GMA 7 kasama sina AiAi delas Alas, Gardo Versoza, Donita Rose, Mark Anthony Fernandez, Neil Ryan Sese, Ms. Gina Pareno, Noel Trinidad, Phytos Ramirez, Abel Estanislao Rita Daniela, Nomer Limatog at Sancho delas Alas at ang bagong loveteam nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia. Ito ay mapapanood pagkatapos ng ‘Pari Ko’y’ sa GMA Telebabad.