May 23, 2025
GMA brings back ‘Temptation Of Wife’
Latest Articles

GMA brings back ‘Temptation Of Wife’

Oct 5, 2020

Simula Oktubre 5, tunghayan ang pagbabalik-telebisyon ng kapana-panabik na kuwento at mga bigating eksena sa Philippine adaptation ng hit Koreanovela na Temptation of Wife sa GMA Network. 

Gagampanan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang karakter ni Angeline Santos, ang babaeng tanging naging kasalanan ay magmahal ng lalaking magagawa siyang saktan at pagtaksilan. 

Ang Drama King na si Dennis Trillo ang magbibigay-buhay sa karakter ni Marcel Salcedo, ang iresponsable at taksil na asawa ni Angeline. 

Samantala, ang award-winning actress na si Glaiza de Castro ang gaganap bilang Heidi, ang matalik na kaibigan ni Angeline na handang talikuran ang lahat makuha lang ang pinagnanasaan. 

Si Rafael Rosell naman ang mabait at maalagang si Nigel Armada na sasagip kay Angeline at tutulong sa kanyang paghihiganti.

Nadiskubre ni Angeline na pinagtataksilan siya ng kanyang asawang si Marcel at matalik na kaibigang si Heidi.

Pinlano ng dalawang patayin si Angeline at palabasing suicide ang dahilan ng kanyang pagkamatay.

Lingid sa kanilang kaalaman, buhay si Angeline at nagsimula ng bagong buhay bilang isang mas matapang na babaeng handang maghiganti. 

Ang Temptation of Wife ay sa ilalim ng direksyon ni Dominic Zapata.

Tampok din sa serye sina Rio Locsin, Raymond Bagatsing, Michelle Madrigal, Antonio Aquitania, Ayen Munji-Laurel, Bettina Carlos, Rez Cortez, at Ms. Cherie Gil.

Abangan ang rerun ng Temptation of Wife simula Oktubre 5, Lunes hanggang Sabado, bago ang mag-Eat Bulaga sa GMA-7. 

Leave a comment