May 22, 2025
GMA Records releases ‘Wiki Me’; Julian Trono will create a throne of himself in the field of K-Pop
Latest Articles Music

GMA Records releases ‘Wiki Me’; Julian Trono will create a throne of himself in the field of K-Pop

Feb 18, 2015

joe@barrameda

by Joe Barrameda

julian tronoLovelife? Wala muna, focus muna tayo ngayon sa work, focus muna tayo sa trabaho natin,” ang umpisang sinabi ni Julian Trono ng makausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR) kahapon sa GMA Network Center sa launch niya bilang pinakabagong recording artist ng Kapuso Network.

Magkaibigan lamang raw sila ni Bianca Umali kaya sila nali-link.

“Kasi sobrang close kami with Tropang Potchi (ang kiddie TV show na pinagsamahan nila dati), of course, sobrang dami naming pinagsamahan na work. Like even personal, as in sobrang close na din naman kami.”

Pero lately raw ay hindi sila masyadong nagkakausap.

“Kasi nga, nung pag-alis ko, as in sobrang surprised yun, e. Hindi rin ako nakapagsabi, di ba? Yung while I’m doing yung Ronda, Nino, as in iyon na po yung training, e. Iyon yung silently nagte-train na po ako nun.”

bianca and julianMatagal siyang nag-train sa pagkanta at pagsasayaw dito sa Pilipinas at sa Korea upang matutunan ang iba-ibang estilo ng K-Pop para sa launch niya bilang singer/dancer dito sa ating bansa.

Tumungo rin si Julian sa Korea para mag-shoot doon ng music video para sa una niyang single na ‘Wiki Me’. Ginawa ang shoot sa Kimpo College.

Bukod dito ay nagkaroon si Julian ng mga TV guestings tulad sa sikat na Korean TV show na ‘Show Champion’.

Nai-feature rin si Julian sa ‘Korea Today’ ng Arirang channel, isang news magazine program sa Korea, ganun din sa TV Chosun at iba pang Korean print media.

Going back to Bianca, kahit hindi na raw sila nagkakausap at nagkikita lately ay close pa rin naman daw sila bilang magkaibigan.

“May communication pa rin kami, we have each other’s number, sadyang busy lang din because of work.”

Ni hindi raw sila nagka-text-an para batiin ang bawat isa nitong nakaraang Valentine’s day.

“Kasi po kakadating ko lang nun galing Korea. Sobrang pagod din naman. Wala po akong nabati talaga.”

Wala rin daw palitan ng regalo na naganap.

Wala rin daw text sa kanya si Bianca wishing him good luck sa bago niyang career path.

Wala rin daw siyang nabiling pasalubong galing Korea.

“Actually hindi rin po ako nakaikot, hindi nila ako pinapalabas. “As in hotel, rehearsals. Kasi sobrang lamig po! Ayaw nilang magkasakit ako.”

Ni wala rin daw siyang nakilalang Koreana na posibleng magustuhan niya at ligawan.

Seventeen years old pa lamang si Julian kaya career daw muna ang priority niya.

Hindi raw totoo ang tsismis na break na sila ni Bianca.

“Kasi hindi naman po kami naging kami. Hindi, hindi po.”

Kaibigan raw niya si Miguel Tanfelix na ka-lovetam ni Bianca ngayon sa ‘Just One Kiss’.

“Sobrang close kami lahat, like everyone, sa Tropang Potchi kasi kami ang magkaka-age e, so sobrang close kami talaga naman sa isa’t-isa.”

Wala raw rivalry sa kanila ni Miguel, na ‘Sige diyan ka sa pag-aartista, mag-a-ala-K-Pop singer ako!’

“Walang competition.

“Actually hindi ko napraktis yang competition na yan, e. Na parang titingnan ko na, ‘Ah ito lang ang nagagawa mo’, o whatsoever.

“Walang ganun, e. Kasi it’s my own way, parang, ‘Iba ito, e!’

“At tsaka iba yung ka-compete ko dito e, kung meron mang competition di ba siyempre yung mga recording artist na nandito sa Philippines.

“And even sa Korea.

“So walang ganun, walang factor na ganun.”

julian trono 03Hindi pa rin ibinabalik si Julian sa ‘Sunday All Stars’ bilang regular performer; noong nagbawas ng talents ang SAS ay isa si Julian sa naalis.

“Actually dapat pero parang decision ng mga Koreans na huwag muna.”

Ang mga Korean executives ng J Entertainment na pumili sa kanya para mag-recording sa tulong ng GMA Artist Center ang tinutukoy ni Julian.

Paliwanag pa ni Julian…

“Ang J Entertainment mas focused sila dito sa Philippines, kumbaga yung K-Pop system, kumbaga yung Filipino talent will be using the K-Pop system, tapos dito talaga magno-nurture ng talents.

“It’s for the Philippines talaga.”

Kung papalarin din daw siya na makilala sa Korea ay ikatutuwa iyon ni Julian.

Going back to SAS, hindi ba sumama ang loob niya ng nawala siya sa show?

“Nagtampo ako nung time na yun, pero that was way back.”

Pero ngayon nga na may bago na siyang career bilang singer ay puwedeng-puwede na siyang ibalik sa naturang Sunday musical variety show.

“Personally gusto ko pong bumalik sa SAS, kaya lang siyempre yung schedule din po nung mga work with the Koreans, yung training, sobrang intensive po.
“Kailangan maximum six hours yung maabot namin araw-araw, singing, dancing. Kailangan ma-perfect mo, e. Nag-e-aim sila ng perfection.

“Surprise e,” ang sagot ni Julian kung ano ang susunod na makikita bukod sa bago niyang single at music video.

Ang una niyang single, ang ‘Wiki Me’ ay released ng GMA Records worldwide. Ang digital single ay available na ngayon sa iTunes at sa lahat ng digital stores.

Magkakaroon rin si Julian ng launch sa February 22, Linggo, sa Sunday All Stars.

Kaninong trono ang gusto niyang kunin sa mga icons sa dancing at singing?

“Well it’s in my name naman po, Julian Trono, so siguro baka puwede po akong gumawa ng bago ko pong trono. Gagawa na lang po ako ng sarili ko,” at tumawa si Julian.

Leave a comment

Leave a Reply