
Go for Gold: A Look Back at Superstar’s 50th Anniversary Celebration
SAMPAGUITA GARDENS–Nagkaroon ng celebration ang Superstar Nora Aunor para sa kanyang ika-50th anniversary sa showbiz, Sabado, October 14.
Ang nag-organize nito ay ang kanyang mga tagahanga.
Namataan namin ang mga anak ni Ate Guy na sina Ian, kasama ang kanyang non-showbiz wife at anak na lalaki, Matet, Kiko at Kenette.
Tanging si Lotlot lang ang hindi nakarating sa okasyon, na ang sabi ay nasa trabaho raw ito that time.
Nakisaya rin sa pagdiriwang ang Diamond Star na si Maricel Soriano, Mother Lily Monteverde, Direk Maryo delos Reyes, Token Lizares, Patricia Javier, Direk Elwood Perez, ang dating leading man ni Ate Guy na si Coco Laurel at Edgar Allan Guzman.
***************
Noong Sabado rin ginanap ang grand launching ng Face of the Year 2018 sa Pacific Star Building sa Makati sa pangunguna ng founder na si Mr. Jojo Veloso.
Ipinakilala ang 60 official candidates, 30 sa Men’s Division at 30 sa Women’s Division na wala kang itutulak kabigin dahil lahat ay gwapo at magaganda.
Ang singer na si Lance Raymundo ang nagsilbing host sa event. Bago ang launching, nag-perform muna ang grupong Bratboys at Fabulous Girlfriends.
Taong 1981 nang simulan ni Jojo ang naturang modeling search at dito na nga rin nagsimula ang PHILMODA (Philippine Modeling Agency) na pinamahalaan niya hanggang maging sikat na talent manager.
Ilan sa mga produkto ng Face of The Year na naging mga artista ay sina Gary Estrada, Ina Raymundo, Alice Dixson, Rita Avila, Dale Villar, Matthew Mendoza, Hans Montenegro, Rustom Padilla, Carlos Morales at Richard Gomez.
“Sobrang happy ako at mainit pa rin ang pagtanggap ng mga followers ng FOTY specially the sponsors. Mas lalo akong natuwa nang madami ang nagsasabi na talagang magaganda ang sumasali sa FOTY compared to other search. I was overwhelmed sa naging outcome ng launching. Super-successful,” pahayag ni Jojo Veloso.