May 24, 2025
“We’re going through some difficulties right now, but of course in every marriage naman there’s storm and trials. But I am still believing malalampasan namin ito. May mga medyo matitinding pagsubok lang especially the distance.” – Donita Rose
Latest Articles

“We’re going through some difficulties right now, but of course in every marriage naman there’s storm and trials. But I am still believing malalampasan namin ito. May mga medyo matitinding pagsubok lang especially the distance.” – Donita Rose

Apr 24, 2015

mildred@bacud
by Mildred A. Bacud
donita Kabilang ang Philippine Showbiz Republic (psr.ph) sa mga press people na naroon sa presscon ng pinakabagong soap-opera ng GMA 7, ang “Let The Love Begin.” Dito ay nakausap namin ang nagbabalik sa acting na si Donita Rose. Pero first acting niya ito sa telebisyon dahil ang huling ginawa niyang acting project ay sa pelikula via the movie “9 Mornings” ng Star Cinema with Piolo Pascual.

Ano nga ba kumumbinsi sa kanya para tanggapin ang project na ito na kontrabida role pa?

Actually lagi akong humihindi sa mga drama kasi mas gusto ko talagang magpatawa at mag-host but now that I was asked kung gusto ko talaga ito, natupad din yung isang pangarap ko kasi before pag nagpapatawa ako kunyari tanungin ako ng press kung anong dream role ko, sabi ko gusto ko maging isang kontrabida sa isang soap opera o pelikula. Gusto ko scheming ang role ko.

“Tapos sa “Everyday Happy,” na taping namin, si Gladys (Reyes) di ba magaling talaga siya so wino-workshop niya ako. Lagi kaming kunwari nag-aaway tapos pinagtatawanan niya ako kasi nga lagi akong nabubulol. Sabi niya kailangan talaga hindi ako natatawa o nabubulol.”

DSC_0742 copyTapos nung nag-end na yung show namin, nagkita kami sa isang story conference, nagulat siya at nagulat kami na magkakasama kami sa isang soap-opera na pareho kaming kontrabida.”Isa daw sa mga rason kung bakit tinanggap ni Donita ang nasabing project ay dahil si direk Gina Alajar ay hindi lamang daw mahusay na direktor kundi nirerespetong artista. “Dahil kabado ako na hindi lang ako magda-drama pero magkokontrabida I felt I’m in good hands. Si Anne Villegas ang acting coach namin na kapag kinakabahan ako sasabihan ko siya. I need help, so far so good naman. I also asked my co-actors and they give me tips naman so medyo kalmado ako.

Challenging nga raw ang role ng aktres dito. “I’m very fulfilled sa role na ito kasi sobrang challenging eh. It goes against my very nature kasi hindi ako palaaway na tao. Minsan nahihirapan ako pero okay lang.”

Ngayon na aktibo muli ang aktres sa pag-arte sa showbiz, may mga isyu namang lumabas tungkol sa diuamanong hiwalayan nila ng asawang si Eric Villarama na nanatili sa ibang bansa habang siya ay kasama ang 10 year old na anak na si JP at dito na nga nag-aaral. Ano ang reaksyon niya rito?

We’re going through some difficulties right now, but of course in every marriage naman there’s storm and trials but I am still believing malalampasan namin ito. May mga medyo matitinding pagsubok lang especially the distance.

“I don’t really want to talk about it anymore because siyempre nasa kalagitnaan ako nito and for me personally I don’t want to go ahead of God and say ‘Ayoko na’ ganun and also because we have a son.”

Leave a comment

Leave a Reply