May 22, 2025
Good and evil side of social media according to Maris Racal
Latest Articles

Good and evil side of social media according to Maris Racal

Aug 28, 2019

Bida si Maris Racal sa pelikulang “I’m Ellenya L” na kalahok sa ikatlong edisyon ng Pista ng Pelikulang Pilipino.

Sa obrang ito na idinirehe ni Boy2 Quizon, masusubukan ang galing ni Maris na magpatawa.

“Ano po kasi hindi niya alam na nakakatawa siya, parang ang dating, ‘bakit ang tanga-tanga niya, hindi alam ang mga nangyayari sa buhay niya nakakatawa,” bungad niya.

Papel ng isang seryosong blogger o social media influencer ang role na ginagampanan niya na unaware na dumarami ang followers dahil naaaliw ang mga ito sa ginagawa niya. 

Sey pa ni Maris, nakaka-relate siya sa kanyang role hindi lang bilang isang millennial kundi bilang celebrity na influencer din. 

Hirit pa niya, bilang isang celebrity, may advantages at disadvantages daw ang pagkakaroon ng social media account.

“Dati kasi  kapag artista ka, umaasa ka lang sa teleserye o sa movie. Sa social media, you can create your own content. Puwede mong  ilabas iyong artistic side mo online. Kung artista ka, puwedeng magamit mo siya to help you and your career. Ganoon siya kadali, pero at the same time, ganoon din kabilis mag-spread iyong evil side lalo na’t hindi ka immune sa bashers. Iyon ang downside niya. Kasi may mga tao kasing masaya na  nag-i-spread sila ng  negativity,” paliwanag niya.

Sa puntong ito, idolo raw niya si Alex na mas malaki pa ang kinikita sa pagvlo-vlog kesa sa pag-aartista. 

Tungkol naman sa mga bashers, aminaso siyang  dati ay sensitibo siya sa mga ito. 

Pero ngayon, mas alam na niya kung paano protektahan ang sarili niya.

“Noon kasi madali akong maapektuhan  sa social media. Ngayon, minsan, tinatawanan ko na lang. Kasi there is this saying na “good or bad publicity is still publicity”. Minsan, kailangang dedmahin mo na lang. So kailangan mo na lang na kapalan ang balat mo at dapat na matatag ka,” saad niya.

Gayunpaman, kahit  aware na siya kung paano i-handle ang kanyang mga bashers, hindi maiiwasang  napre-pressure pa rin siya sa social media. 

“Hindi naman maiiwasan iyon, lalo na’t may mga expectation sa iyo ang mga tao. People look up to you na  kailangang ganito ka. Iyong mga Pinoy kasi may ideal image sila for each and everyone, lalo na that you’re younger so nakaka-pressure  dahil may hinahanap sila kung ano ang gusto nila sa iyo. Ako naman, hindi  ko pinipilit ang sarili ko kung ano ang gusto nila. Importante lang  na kilala mo ang sarili mo at iyon ang pinangangatawanan ko,” paliwanag niya.

Nilinaw naman niya na kahit pansamantalang hiwalay na sila ni Inigo as a love team, hindi raw naman ibig sabihin noon na buwag na ang Marnigo love team.

“Nandiyan pa rin naman sila. Very supportive sila. I know na nasaktan din sila sa naging desisyon namin ni Inigo pero we realized that we can work together kung magaling kayong umarte at nakakapag-create kayo ng chemistry,” ani Maris.

Kahit hindi raw natuloy sa isang malalim na relasyon ang kanilang tambalan, aminado naman ang  dalaga na na-in love talaga siya kay Inigo.

“Opo, minahal ko naman talaga ‘yung tao, hindi naman playtime ‘yun. Hindi talaga natuloy na maging kami kasi ‘yun nga po, nasa time kami na focus kami sa career,” sey niya.

“Lalo na si Iñigo gusto niyang mag-international at ayaw niyang ma-distract. Kaya we stayed as friends at ‘yung conversation na ‘yun nahirapan din kami both kasi that means we have to end something, hindi na kami mag-uusap at magkasama. And okay lang ‘yun since friends naman kami at okay naman kami sa work,” paliwanag pa ng young actress.

Ang “I’m Ellenya L” ay idinirehe ng magaling na komedyanteng si Boy2 Quizon.

Iprinudyus ng Spring Films, N2Productions at Cobalt Entertainment, kasama rin sa cast sina Nova Vila, Francine Prieto, Patrick Sugui at Kat Galang.

Mapapanood na ito sa buong bansa simula sa Setyembre 13 bilang opisyal na kalahok sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino.

Leave a comment