May 24, 2025
Gwen Zamora says boyfriend Jeremy Marquez isn’t jealous of Christian Bautista
Latest Articles

Gwen Zamora says boyfriend Jeremy Marquez isn’t jealous of Christian Bautista

Jun 12, 2015

oghie@ignacio
By Oghie L. Ignacio

gwen-zamoraKung meron man daw manhid at never na nagpapa-apekto sa mga paninira at pambabastos ng bashers niya rito sa mundo ng showbiz na ginagalawan niya’y walang iba kundi ang magandang aktres na si Gwen Zamora na nagkatsansa’ng makapanayam ng Philippine Showbiz Republic (PSR).

“I have no time for them,” agad na sabi nito.

“I’m not the type to step on anyone’s toes,” ang may pagkamataray pa niyang katuwiran.

“I’m so busy with my work kaya bakit ko pa sila pag-aaksayahan ng panahon para patulan di ba? So, it’s better na lang not to give my attention for whatever they say. So, wala lang dedma na lang ako. Ayoko kasing masira pa ang mood ko,” katuwiran pa niya.

Basta wala rin lang daw masyadong ginagawa itong si Gwen na bidang-bida sa telebabad na “My Mother’s Secret” ng GMA 7 ay mas gusto niyang ilaan ang panahon niya sa pamilya at mga kaibigan kaya walang mapapala sa kanya ang mga bashers na laging nakaantabay sa kanyang mga kilos at galaw.

“Yeah! Talagang may time ako sa mga friends ko at family. I talk to them and I like to debate with my friends with mga bagay na may sense. For me kasi, they’re the best people to express yourself with. Sila ‘yung puwede mong maging shoulder to cry on ‘pag may personal problems ka,” aniya pa.

“They are the reasons why your’e friends di ba? Your’e all on the same wavelength. So I guess, it’s easier for you to ope up to them lalo na ‘yung pagiging totoo mo,” katuwiran pa ni Gwen sa Philippine Showbiz Republic (PSR).

Untitled

Kumusta naman kaya ang kanyang lovelife niya kung saan si Jeremy Marquez nga ang kanyang lover na sinasabing nagseselos sa leading man niyang si Christian Bautista dahil sobrang malapit sila nito dahil sa araw-araw at gabi-gabing pagkikita nila sa taping ng pinag-uusapang “My Mother’s Secret” ng Kapuso.

“We’re okay. And that’s not true!,” mabilis na sagot ni Gwen. “Alam niya na I’m just working professionally. So, there’s no jealous factor at all.

We’re still happy with our lovelife, that’s it!,” dagdag pa niyang pahayag.

_my_mother_s_secret__cast_excited_for_their_show_s_debut_beautiful_couple_1432282995Masaya si Gwen sa kinalabasan ng kanilang telebabad na “My Mother’s Secret” sa Siyete dahil naramdaman niyang may followers pala ang tambalan nila ni Christian nga dahil sa dami ng mga tumututok na televiewers para saksihan kung gaano kagaling ang kanilang portrayal sa kani-kaniyang karakter na ipinapamalas sa manonood.

“Well, It’s really amazing. I’m super happy with the outcome. Nakakatuwa ang kinalabasan ng tv program namin ni Christian. Because all the hard work was worth it talaga. Magagaling pa mga kasama namin,” pagtatapos pa sa Philippine Showbiz Republic (PSR) ng magandang aktres na si Gwen.

Leave a comment

Leave a Reply