May 22, 2025
Hajji Alejandro’s son Ali marries Mojofly’s Lougee Basabas
Faces and Places Latest Articles Music

Hajji Alejandro’s son Ali marries Mojofly’s Lougee Basabas

Dec 17, 2015

000089358Kung nabubuhay pa ang kanyang ina na si Rio Diaz, siguradong magiging masaya ito para sa kaisa-isa niyang anak na lalaki na si Ali Alejandro. Pinakasalan ni Ali kamakailan lang ang best friend niya at dating bandmate, ang former Mojofly vocalist na si Lougee Basabas sa isang wedding ceremony na naganap sa Balesin Island Club. Si Ali ay anak ng yumaong si Rio Diaz sa music icon na si Hajji Alejandro.

“I know Mama’s [Rio] happy and proud of me wherever she is now. She watches us from above and will continue to guide us. But I really wish she could see us now,” hiling na sambit ni Ali.

Matatandaang nag-audition si Lougee para sa ikalawang season ng “The Voice Philippines” ilang buwan bago ito ikinasal. “10 years ago, I may have been looking up at the sky praying for my soulmate,” sabi ni Lougee kay Ali bilang wedding vow. “I will always be your best friend, your music partner, your road map to wonderful adventures and to the fulfillment of our dreams and our passions.”

Ali-Alejandro-Lougee-Basabas-2

Dagdag pa niya, “When I’m troubled, I will simply look at you because when I see you I see God’s faithfulness. When I look at you, all the emptiness fades away. And when I see you, I know that I am home and I’m right where I belong. I love you.”

Dinaluhan ang masayang kasalan ng mga malalapit na kaibigan ng dalawa at kamaga-anak. Dumalo rin sa nasabing pagtitipon sina Rachel Alejandro at Barny Alejandro na siyang naging punong-abala sa inihandang espesyal na handaan para sa mga vegan dahil isang certified vegan si Lougee. Hindi rin pinalampas ni Hajji ang nasabing okasyon dahil ito ang kasal ng kanyang bunsong anak na lalaki.

Binabalak nina Lougee at Ali na lumikha ng isang kakaibang recording album kung saan nakapaloob ang mga awiting malapit sa kanilang puso. Ayon pa sa mga bagong kasal, dapat na abangan ito ng kanilang fans dahil bukod sa orihinal na konsepto at awitin ang nasa nasabing album, espesyal ito dahil tungkol ito sa kanilang naging pag-iibigan. “The music in the said album is really how our friendship became something more—that’s the story behind the album,” pagtatapos ni Ali.

Leave a comment

Leave a Reply