
“It’s hard to impersonate Pepe Smith but even if we belong into different genre, I”m proud to say I was able to pull that off.” – Jay-R
Ayon kay Jay-R, kung lumipat man siya sa ABS-CBN 2 ay nagpaalam naman daw siya nang maayos sa dati niyang mother studio na GMA 7.
“What’s good was hindi ako umalis na may bad blood. Maayos naman ‘yung pagpapaalam ko sa kanila so there’s not really much to feel bad about it. My friends, they are all happy for me,” sabi ni Jay-R.
Gaya ni Jay-R ay isa na ring Kapamilya si Kyla. Nauna si Kyla na umalis sa GMA 7 para lumipat sa Kapamilya network.
“I’m very happy na si Kyla nandito (ABS-CBN 2). We have such a good chemistry together, we are good friends kaya nakakagaan ng loob na malaman na may kasama akong dati ng kakilala.”
May duet sina Jay-R at Kyla sa bago niyang album. Wish niya na makanta nila ito sa ASAP.
“Sa ASAP sana gusto kong makanta namin yung song together. For sure, you know, it’s going to be fun since gamay na namin ang isa’t-isa. Our single right now is called
‘You Are Not Alone’. It’s number 15 now on OPM MYX so I would love to do it in ASAP with her (Kyla).”
Isa si Jay-R sa contestant ng “Your Face Sounds Familiar”. Sa pilot episode nito last Saturday, ang in-impersonate niya ay si Pepe Smith. Gayang-gaya ni Jay-R ang mukha, mannerism at boses ng naturang music icon na naging dahilan para purihin siya ng televiewers at ng juries composed of Sharon Cuneta, Jed Madela at Gary Valenciano.
“I am very proud na nakita ng Pilipinas and the whole world na kaya kong gawin at gayahin si Pepe Smith.”
“It’s very hard to impersonate someone like Pepe Smith. ‘Yung genre namin magkaiba talaga, but I’m so glad I was able to pull that off,” kuwento pa ni Jay-R.
Samantala, happy si Jay-R sa kanyang lovelife sa piling ng singer/songwriter na si Mica Javier. Kahit sobra nilang mahal ang isa’t-isa, wala pa raw sa plano nila ang magpakasal na.
“I don’t know, maybe later on. But sa ngayon, we’re just focused on careers right now and we don’t want to add extra pressure in our lives ngayon.
“Siguro… I don’t know, two to five years from now maybe.”
Follow me…
Rommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente