May 24, 2025
Harlene Bautista opens up about showbiz, politics, business
Latest Articles

Harlene Bautista opens up about showbiz, politics, business

Jun 23, 2017

TULOY ang acting career ni Harlene Bautista dahil nga mapapanood na sa Linggo, June 25 sa ganap na 9:30 PM ang Brilliante Mendoza Presents sa TV5.

Kasama  niya ang asawa niyang si Romnick Sarmienta.

Tungkol sa couple na hindi magkaroon ng supling iikot ang istorya.

“Yes, sa Obando, Bulacan  kami nag shooting,” sey niya sa amin ng makausap namin siya sa Wow It’ s Showbiz sa Radyo Inquirer 990 Television.

Sa  simbahan ng Sta Clara kasi nagpupunta ang mga mag- asawang di magkaanak.

“Sa totoo lang, naku hindi namin problema ang magkaanak. Lima ang anak namin. Malayo ang istoryang ginampanan namin sa totoong buhay,” natatawang sagot niya.

May nagmana ba sa kanilang anak na gustong mag- artista?

“May kanya-kanya sila ng gusto. Kung ano gusto nila, susuporta kami ng asawa ko, ” sey niya.

Papasukin ba niya ang pulitika?

“Marami ang nagsasabi. Pero sa totoo lang, sa ginagawa ko ngayon na pagtulong sa mga kapatid ko na si Mayor Herbert at Councilor Hero, parang politician na rin ako,” sagot ni Harlene.

Sa ngayon ay very busy siya sa kanilang business na Salu resto sa may Scout Torillo, QC.

Leave a comment