
Harlene Bautista’s film company tagged as “MMFF suki”
Entertainment editor: Josh Mercado
ANG Huling Ulan sa Tag-Araw ay isa sa eight entries sa annual Metro Manila Film Festival na magsisimula na bukas, December 25.
Mula sa pamamahala ni Direk Louie Ignacio, tampok dito sina Ken Chan and Rita Daniela.
Kasama rin sa cast sina Lotlot de Leon, Richard Yap, Joe Vargas, Bryan Benedict, John Gabriel, Kenneth Medrano, Rachel Jacob, Ahwel Paz, Hero Bautista, at Soliman Cruz.
Ito ay hatid ng Heaven’s Best Entertainment ni Ms. Harlene Bautista.
Sa premiere night ng pelikula, nabanggit ni Ms. Harlene na sila ang unang nangahas na gumawa ng pelikula sa kasagsagan ng pandemic.
Aniya, “Sana po ay magustuhan ninyo ang aming munting handog na pelikula. Sabi nga po nila, ang Heaven’s Best po ang nangahas na gumawa ng pelikula sa kasagsagan ng pandemya dahil mahal po namin ang industriya.
“Nakita natin noong time na iyon na parang wala na talaga, wala na, paubos na rin ang mga ayuda na ibinigay ng mga nagmamahal at ng mga concerned.
“Hindi naman tayo puwedeng maghintay na lang para sa ating trabaho. Kaya nagpakatapang ang Heaven’s Best Entertainment na gumawa ng pelikula para naman mabuhayan at mabuhay muli ang industriya.
“Kaya sana po ay magustuhan ninyo ang ginawa namin dahil mula sa puso po ito ni Direk Louie at nina Ken and Rita at siyempre sa lahat po ng bumubuo ng pelikula namin.”
Dito’y patatawanin, paiiyakin, at tuturuang magmahal nang tunay nina Ken at Rita ang moviegoers.
Muling makikita rin sa Huling Ulan sa Tag-Araw ang magandang chemistry nina Ken at Rita. Abangan din ang acting dito ng cast, lalo na sina Ken, Lotlot, at Rita.
Ano ang masasabi niya na maraming pinaiyak ang kanilang movie? Sa tingin niya ay lalaban ito pagdating sa award?
“Yes, pati ako naiyak,” nakatawang tugon niya. Pagpapatuloy pa ni Ms. Harlene, “Wala namang masamang mangarap ano, hindi ba? Ang magkaroon ng… sabi nga ni Rita kanina, nararamdaman naming lahat na sobrang blessed na kami na mapasali sa Magic 8 sa MMFF.
“So, sana ay mapansin iyong nagawa namin, but kung mabe-bless ng award, why not, hindi ba? Pero sana talaga, ang dasal namin ngayon, sana ay marami ang makapanood, kasi maganda ang pelikula namin.”
Suki ang Heaven’s Best Entertainment sa MMFF pagdating sa award, ano ang reaction niya rito?
Nakangiting tugon ni aktres/producer, “Actually, yung makasama ka every year ay napakalaking bagay, napakalaking blessing. Actually, hindi namin ine-expect talaga dahil ang daming sumali ngayon sa MMFF at lahat ay magaganda. So, we are really blessed na mapasali kami.
“Ngayon doon sa award, talagang dasal lang, kung talagang mabe-bless kami, maraming salamat po in advance, Lord.
“Pero kung hindi ay okay pa rin. Kasi, ang dasal talaga namin is maraming makapanood… Nagustuhan nyo naman, hindi ba? So, kung nagustuhan ninyo, ng mga press, I’m sure magugustuhan din ng iba, Kaya sana ay manood sila ng Huling Ulan sa Tag-Araw,” wika pa ni Ms. Harlene.