June 3, 2025
For Harvey Bautista, it really runs in the blood
Latest Articles

For Harvey Bautista, it really runs in the blood

Jan 17, 2017

Palibhasa’y dugong artista, patuloy pa rin sa pag-arte si Harvey Bautista, ang nagbibinatang anak ni Mayor Herbert Bautista at radio anchor na si Tates Gana.

Pagkatapos mapanood ng mahabang panahon sa programang “Goin Bulilit” ng Kapamilya Network na nasundan ng “Wansapanataym” ng naturang istasyon din, heto’t abala siya sa pagpo-promote ngayon ng pelikulang “Ilawod”.

Ang Ilawod ay isang horror film na tampok sina Iza Calzado at Ian Veneracion na kasama ang young actor.

Ayon sa mga nakapanood na ng pelikula, marami raw  humanga sa ipinakitang performance ni Harvey Bautista sa naturang pelikula na ipapalabas na sa mga sinehan bukas, January 18.

bautista-harvey-image

Palibhasa’y nahasa nang husto nung nasa programa pa siyang Goin Bulilit kaya lumalaki at gumagaling siyang artista.

Proud na proud ngang maituturing ang kaniyang amang si Mayor Herbert Bautista sa mga nangyayari sa karera ngayon ng anak.

Todo suporta nga ang butihing mayor sa showbiz career ni Harvey. Hindi niya ito pinipigilan dahil hindi naman napapabayaan ng batang aktor ang kaniyang pag-aaral.

Sa ginanap na solo presscon kamakailan ni Harvey na kasabay na rin ng birthday treat ni Mayor Herbert sa entertainment press, sinabi nito na marami pa siyang gustong gawin at role na gustong gampanan.

Bukod sa horror movie, pangarap din niyang makagawa ng drama at romantic comedy films pero dahil bata pa siya, nalilimitahan pa ang mga role na ibinibigay sa kanya. Gusto rin ni Harvey na makasama sa isang teleserye.

Leave a comment