
Having a daughter changes Cristine Reyes’ priority, outlook
Para kay Cristine Reyes, malaki ang nagagawa ng pagkakaroon ng anak para mabago ang mga priority niya sa buhay.
At 30, kung dati, may mga luho pa siya sa katawan, ngayon aminado siyang nabawasan na ito.
“Siyempre, noon, ang responsibilidad mo lang sa sarili mo. Ngayong may anak ka na, iba na. Iba na rin ang priorities mo. Priority mo na ang baby mo. Nabawasan na rin ang luho mo. Natututo ka na rin kung paano i-handle ang finances pati na ang pagbu-budget na kasama sa responsibilidad ng pagkakaroon ng baby,” aniya.
Ito rin ang dahilan kaya doble kayod siya para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang daughter na si Amarah.
“Lahat naman ng parents kumakayod para mabigyan ng good future ang kanilang mga anak, kaya importante, as early as now, pinaghahandaan mo na rin siya pati ang education niya,” sey niya.
Hirit pa niya,ngayon mas prayoridad na niya ang magkaroon ng quality time kay Amarah at sa kanyang mga siblings.
“Gusto ko na lang na magkaroon ng quality time with my daughter,” ani Cristine.
“Ngayong 30 na ako, iba na. Iba na ang outlook ko sa buhay. Hindi na ako naghahanap ng kasiyahan. Ang hinahanap ko na lang… actually, wala na akong hinahanap pa. For me, dati kasi, noong bata pa ako, parang ayokong magtrabaho. Sabi ko, ba’t ba ako magtratrabaho, ganyan. Ngayon at 30, sabi ko sa anak ko, no, I need to work. I have to work because we have to pay for our expenses. Wala nang fun for me. Parang gusto ko umuwi, gusto kong makita ang daughter, ganoon lang,” dugtong niya.
Happy din daw siya sa kanyang buhay ngayon at sa kanyang pagiging self-made person.
“Ever since naman, ako ang nagwo-work for myself and I can really say na I’m self made. Ever since naman, I started working for 15 years in 2003, I also have my family but nobody helped me. I never relied on them,” paliwanag niya.
Happy naman si Cristine dahil nabigyan siya ng pagkakataong magbida sa “Maria,” isang crime revenge drama film.
Sey pa niya, never daw niyang in-imagine na magiging action star at sasabak sa mga delikadong action scenes.
Katunayan, during her fight scenes, nabalian siya ng daliri at nagkaroon ng maraming pasa pero never daw niya itong ininda for the love of her craft.
Willing na rin daw siyang malinya sa action tulad ng idolo niyang si Angelina Jolie.
Papel ng isang inang ibig ipaghiganti ang trahedya ng kanyang pamilya ang role ni Cristine sa pelikulang “Maria” na idinirehe ng magaling at award-winning director na si Pedring Lopez na siyang gumawa ng “Nilalang.”
Kasama rin sa cast ng pelikula sina Ronnie Lazaro, Jennifer Lee, KC Montero, Andrea del Rosario, Cindy Miranda, Sonny Sison, Guji Lorenzana, Johnny Revilla, Germaine de Leon at maraming iba pa.
Mula sa Viva Films, palabas na ang pelikula simula sa Marso 27.