
“Healing Hearts”, have hearts healed on the breakup of Kristoffer Martin and Joyce Ching?
Excited na daw ang Kapuso prime teen actor na si Kristoffer Martin sa kanyang newest teleserye ang “Healing Hearts” kasama ang kanyang original na ka loveteam at ex-gf na si Joyce Ching , Krystal Reyes, Angelika dela Cruz at iba pa.
Tsika nga ni Kristoffer, “happy and excited na ako sa soap namin ni Joyce, kasi matagal tagal din akong nabakante , siguro mga 9 months din akong walang ginawang soap.
“Kaya medyo namiss ko talaga ang paggawa ng teleserye. Bukod pa sa makakasama ko ulit dito ang ka-love team kong si Joyce.
“Bale ito yung masasabi kong balik tambalan namin ni Joyce after kaming ipareha sa iba.
“Kaya alam kong matutuwa yung mga fans namin ni Joyce kasi lagi nila kaming tinatanong kung kailan kami ulit magsasama at ito na mga yun.
“Sana suportahan din nila yung Healing Hearts katulad ng pag suporta nila noon sa mga naging shows namin ni Joyce.”
Dagdag pa ni Kristoffer na medyo matured na Kristoffer daw ang mapapanood nila sa Healing Hearts.
“Medyo ibang Kristoffer Martin ang mapapanood nila dito.
“Masasabi kong mas ma-drama at semi-matured kumpara sa mga nagawa ko na noon.
“Kaya dapat nilang panoorin at tutukan ang Healing Hearts kapag nagsimula na itong ipalabas para makita nila yung sinasabi ko.”
Zero pa rin daw ang love life ni Kristoffer ,”bokya pa rin ha ha ha , hindi kasi ako naghahanap mas nag focus lang siguro ako sa career at pag aaral ko.
“Yun kasi ang priority ko ngayon at hindi ang love life, alam ko naman kasi na may right time para doon,
“And besides hindi naman ako nagmamadali na magkaroon ng karelasyo.
“Mas maganda kasi na kusa siyang dumating kaysa hinahanap mo siya,
“Malay natin ngayong taon dumating na siya ha ha ha.
At kahit na nag break sila ni Joyce ay naging okey naman daw ang pagtatrabaho nila.
“Okey naman yung balik tambalan namin ni Joyce, kasi nung nag-break kami napanatili naman namin yung friendship naming dalawa.
“Hindi kami yung tulad ng iba na after mag-break magkaaway na.
“Alam naman na pareho naming desisyon yung maghiwalay, kaya everytime na nag-gi-guest kami na magkasama after breakup, okey pa rin sa amin.
“At ngayon ngang balik teleserye kami na magkasama, walang naging problema dahil magkaibigan pa rin kami.
“Smooth yung trabaho namin at walang kaproble problema,” pagtatapos ni Kristoffer Martin.
Follow me…