May 23, 2025
Heart admits she’s still trying to win the hearts of Sen. Chiz Escudero’s twins
Faces and Places Latest Articles

Heart admits she’s still trying to win the hearts of Sen. Chiz Escudero’s twins

Oct 2, 2015

psr ad

by PSR News Bureau

Heart Bilang isang dalaga, hindi naging madali para kay Heart Evangelista ang maging ‘instant mom’ matapos niyang pakasalan si Senator Chiz Escudero na mayroon ng dalawang anak sa una nitong napangasawa. Bagamat likas na mahilig si Heart sa mga bata, natural lang na kinakailangan niyang makuha ang loob ng kambal na anak ng senador.

Kuwento ni Heart, “Minsan may nagbiro sa akin na ako daw ang eldest ni Chiz. Hindi ko naman yun minasama. I’m very child-like naman din kasi. So I don’t really mind.”

Advantage nga daw sa kanya na mahilig siya sa mga bata. Hindi naman daw siya masyado nahirapan sa mga anak ng senador. “I think it’s good because I’m younger so yung patience ko, mas mahaba. Mahilig akong maglaro. I like playing with kids,” dagdag pa niya.
heartandchiz“We play at hindi ako napapagod makipaglaro sa kanila. Doon mo siguro rin kasi mas makukuha yung loob ng mga bata,” pagpapatuloy pa ni Heart. Mahalaga raw kasi sa kanya na maging bahagi ng buhay ng mga anak ni Senator Chiz at nakikita niyang ang pakikipaglaro sa kanila ang siyang magsisilbing susi sa mga ito.
“Kasi sa mundo nila, yung imaginations nila, you become part of that. I think that’s very important. You have a certain language na kayo lang yung nakakaintindi.”
Ang konsiderasyon para sa mga bata ang isa sa mga rason kung bakit hindi rin nagmamadali sina Heart at Senador Chiz na magkaroon na ng sariling supling. “Gusto kong maramdaman ng mga bata na solo nila ako muna. Gusto kong ma-establish nila muna yung pakiramdam na mahal na mahal ko sila. Para when I feel that they’re ready to have a baby brother or a baby sister, mas magiging madali para sa kanila na tanggapin yun. And I’ll make sure that when that happens, secure na sila sa nararamdaman ko for them,” pagtatapos ni Heart.

Leave a comment

Leave a Reply