
Heart Evangelista and Sen. Chiz Escudero cancels off anniversary wedding
by PSR News Bureau
Katatapos lang ng isang successful art exhibit na Oceans Apart sa Ayala Museum ni Heart Evangelista at sobrang masaya ang aktres sa dami ng blessings na patuloy na dumarating sa kanya. Ang pinaka ipinagpapasalamat ng aktres ay ang pagkakasundo ng kanyang mga magulang at ng kanyang napangasawang si Sen. Chiz Escudero. Gusto sana nilang mag-asawa na magkaroon ng renewal of vows sa darating na unang anibersaryo nila bilang mag-asawa sa February 15. Kaya lang, dahil ayaw nila itong mahaluan ng pulitika kaya’t napagdesisyunan na lang nila na hindi na lang nila ito itutuloy. “Ayaw namin mabahiran ng ibang kulay at mabigyan ng hindi magandang bagay ang first anniversary namin. Hindi rin siya timing kahit gusto namin,” paliwanag ni Heart.
Balak na lang nilang mag-celebrate ng kanilang first year anniversary at Valentine’s day sa Sorsogon, bayan ni Chiz. Doon na rin siya magdiriwang ng kanyang 31st birthday dahil ipinanganak ang aktres sa araw ng mga puso. Isang simpleng selebrasyon lang daw ang magaganap kasama ang ilang malalapit na kaibigan at kamaganak.
“Punta kami ng Sorsogon, dun na namin sasalubungin an gaming first wedding anniversary. Masaya naman na ako sa ganun eh, tapos andun din yung mga kapatid ko.”
Aniya pa, “My parents understands naman our decision. Although originally, the plan is to have us renew our vows para naman sana my parents can attend my own wedding since hindi nga sila nakarating when we got married the first time.”
Sobrang busy rin ng schedule ni Heart. Katatapos nga lang maging sold out ang kanyang mga paintings at naibenta niya ang mga ito ng worth 800,000. Nakagawa na rin siya ng libro tungkol sa pagpapaganda ang Love Marie pati ang librong pambata ay nakipag-collaborate na rin siya. Bukod dito ay magiging host din siya ng isang cooking show sa Star World channel, kaya naman puspusan siya sa pag-aaral kung paano magluto.
Kailan nila planong magkaroon ng baby?“It will come when in time. Ayaw naman namin i-pressure yung sarili namin. Basta it will happen in God’s time. We have naman the twins [anak ni Chiz sa nauna nitong asawa] with us, so okay lang, no pressure.”