May 25, 2025
Heart Evangelista slams Quezon City ordinance on limiting pet ownership
Latest Articles

Heart Evangelista slams Quezon City ordinance on limiting pet ownership

Apr 16, 2015

by PSR News Bureau

li03_big Sa kabila nang pagiging bagong may bahay ng isang senador, masasabing may sarili pa ring pagkakakilanlan si Heart Evangelista. Taliwas nga sa ibang nagpakasal, mas dumami pa nga yata ang endorsements ng aktres ngayong may asawa na siya kumpara noong dalaga pa siya. Hindi rin nakakalimutan ng aktres ang kanyang pagmamahal sa sining bilang isang pintor kung saan unti-unti siyang lumilikha ng pangalan. Matapos nang matagumpay na exhibits, busy si Heart ngayon sa pagpipinta ng mga designer wedding gowns. Sa halip na canvas, ang mga designer gowns ang kanyang ginagawang canvas. Bahagi ito ng collaboration niya sa fashion designer at malapit na kaibigang si Mark Bumgarner. Nagsuot na rin ng creation gown ni Mark si Heart sa kanyang wedding nitong Pebrero na isang Swarovski studded custom-made off-shoulder Chantilly lace na kabilang sa tatlo niyang naging gowns noong kasal nila ni Senador Chiz Escudero.

Maliban sa pagpipinta, busy rin si Heart sa pag-aalaga sa mga anak ng senador sa una nitong asawa. Ayon sa aktres, hindi naman daw siya nahihirapan sa bago niyang responsibilidad bilang tumatayong ina ng kambal na anak ng senador dahil mahilig naman daw talaga ito sa bata. Tinuturuan niyang mag-bake ang sina Chesi at Quino. Favorite bonding activity daw nila yun ng kambal, kaya’t matatagpuan sila palagi sa kitchen ng mga Escudero.

Hindi na ako natatakot na mag-alaga ng bata. Tinuturuan ko siya, nagluluto kami everyday, nagbe-bake kami, ganyan. I really, really enjoy it,” sabi pa ni Heart.

HeartBukod sa pag-aalaga ng mga bata, hilig din ni Heart na mag-alaga ng mga hayop, lalo na mga aso. Kilala ang aktres bilang isang pet lover at isa nga sa kanyang adbokasiya ay ang pagbibigay ng wastong pangangalaga sa mga hayop sa tulong ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS). Kaya naman hindi naitago ni Heart ang kanyang sama ng loob hinggil sa isang bagong ordinansa sa Quezon City na naglilimita sa hayop na maaaring alagaan ng isang pet owner.

Sinasabi ng naturang ordinansa na bukod sa paglilimita ng bilang ng mga alagang hayop na pwedeng maalagaan, pababakunahan ang mga ito at ilalagay sa kulungan.

Hindi rin bababa sa P2,000 ang multa sa paglabag sa mga nabanggit na probisyon, kasabay ng pagkumpiska ng mga alagang hayop.

Hindi sumasang-ayon si Heart sa naturang probisyon. Aniya sa kanyang Instagram account: “I’d like to think that they had good intentions in passing the ordinance and while I agree with some of its provisions…Animal welfare is not about this. Abandonment of dogs/cats is punishable by law and this totally goes against it. It promotes dog/cat lovers to abandon their dogs no matter what age and how long they have had the dog/cat in their home. Pet abandonment is a crime under amended AWA. If people are imposed penalties or fees for having more than four pets…this may increase the incidence of pet abandonments… PAWS wasn’t consulted on this (they didn’t get invited to any hearing and if there was a public hearing at all, they didn’t know about it). So Hopefully they can postpone signing off on the ordinance until at least all stakeholders have been consulted. There are many animal lovers that will be affected negatively by this ordinance because they are currently keeping more than 4 pets and a lot of them aren’t breeders or businessmen but people with kind hearts who took in a homeless stray…

Ayon kay Heart, hindi maituturing na pagpapabaya at paglabag sa animal welfare ang pagkakaroon ng maraming inaalagaan ang pet owner.

Abandonment of dogs/cats is punishable by law and this totally goes against it. It promotes dog/cat lovers to abandon their dogs no matter what age and how long they have had the dog/cat in their home,” aniya.

Pagdidiin pa ni Heart, dahil sa multang katapat ng paglabag sa probisyong nagsasabing hanggang apat na lamang ang maaaring alagaan ng isang pet owner, maaaring maging mas malaki ang bilang ng insidente ng pet abandonment, na isang krimen sa ilalim ng Animal Welfare Act.

Hindi rin daw nabigyan ng pagkakataon ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS) na maipaliwanag ang posisyon ng grupo, at walang katiyakan kung nagkaroon man lang ng pagdinig hinggil sa nabanggit na ordinansa.

Umaasa si Heart na hindi kaagad ipapasa ang naturang ordinansa hanggang hindi naaayos ang ilan sa mga probisyon nito na maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa mga hayop at sa mga pet owners at animal lovers.

Nararapat lamang daw na makonsulta muna ang lahat ng stakeholders na may kinalaman at ang mga maaapektuhan ng nasabing ordinansa.

Leave a comment

Leave a Reply