
Theater veterans Migs Ayesa and Joanna Ampil stars in Manila production of “The Bridges of Madison County Musical”
by PSR News Bureau
Bagamat pawang matagal na sa larangan ng theater arts at pagkanta, inamin nina Fil-Australian actor na si Migs Ayesa at Miss Saigon alumna na si Joanna Ampil na kinakabahan sila sa first international staging ng Tony Award winning play na Bridges of Madison County na magaganap sa ating bansa simula November 20 hanggang December 6, 2015.
Kapwa nangako naman ang dalawang bida sa naturang play na pinaghandaan naman nilang mabuti ang kanilang magiging pagganap. Nauna nang nagkaroon ng theater adaptation ang nasabing libro ni Robert James Waller noong February 2014 sa Geral Schoenfeld Theater sa Broadway.
Kuwento ito ng isang simpleng maybahay na si Francesca Jonhson na taga-Iowa at ni Robert Kincaid, isang traveling photographer. Aksidente ang kanilang pagkikita ngunit sa loob lang ng apat na araw ay kaagad na silang napamahal sa bawat isa.
Nagkaroon na ng movie adaptation ang Bridges of Madison County noong taong 1995, kung saan ginampanan ni Meryl Streep ang papel ni Francesca at si Clint Eastwood naman ang gumanap bilang si
Robert.
“I cannot wait to show such a different side to me, as the last time Manila audiences saw me was as the crazed rocker ‘Stacee Jaxx’ in ‘Rock of Ages.’ The chance to be working opposite such a world class performer such as Jo Ampil, as well as under the direction of Bobby Garcia, promises to be an experience I will never forget. This will be my second stage production with Ateg, and it has always been a labour of love in that camp. Any excuse to visit the Philippines is worth the work! I cannot think of a better way than to return with such a production as beautiful as this,” bulalas ni Migs.
Ang Bridges of Madison County Musical ay produced ng Atlantis Productions. Ito ay sa ilalim ng direksiyon ng batikang direktor na si Bobby Garcia, na kamakailan lang ay napuri sa Asian tour ng “Saturday Night Fever.” Magbubukas ang “The Bridges of Madison County” simula sa November 20, 2015, at the Carlos P. Romulo Auditorium, RCBC Plaza, Makati.
Tickets are available sa www.ticketworld.com.ph