May 23, 2025
Here’s why Aiko Melendez is blessed with TV, film projects
Latest Articles

Here’s why Aiko Melendez is blessed with TV, film projects

Sep 23, 2017

Maganda ang takbo ng career ni Aiko Melendez, both in TV and movies.

Kasama siya bilang si Emilia Ardiente sa top-rating series ng ABS-CBN 2 na Wildflower topbilled by Maja Salvador.

img_20170923_154243

May dalawang pelikula siyang pinagbibidahan. Ito’y ang New Generation Heroes mula sa direksyon ni Direk Anthony Hernandez, at ang Balatkayo mula sa BG Productions International sa pamamahala ni Direk Neal ‘Buboy’ Tan.

“Masayang-masaya po, kasi ang work is always a blessing. Lalo na at both sa TV and movies ay may mga blessing na dumarating sa atin. I’m very happy na unti-unti, Jesus is blessing me and narinig Niya po ang prayers ko.”

Sa New Generation Heroes ay gumaganap si Aiko bilang isang guro na kailangang mangibang bansa para sa kanyang pamilya.

“I played the role of Cora Tolentino here, who happens to be a mom. In real life, I am a mother of two also, of Andre and Martina. And as a mother, you will do everything for your kids. You want to give them the best, the future that they deserve.

“The reason why she worked abroad, was to give her family the best of everything. But apparently along the way, her best wasn’t good enough for one of her kids.

“Ang New Generation Heroes po ay dedicated sa mga guro na OFW na buong sipag na nagtatrabaho, kahit na mapalayo pa sila sa kanilang sariling family.

“Ipakikita rin sa movie kung gaano talaga ka-important ang oras na dapat mong ibigay sa iyong family. At minsan, na ang pagsisisi ay talagang nasa huli.

“So, matututunan dito ng viewers na hindi lang pala lahat ay pera ang sagot sa lahat ng problema. Hindi rin lang pala na porke’t marami kang pera at nabibigay mo ang needs nila materially, hindi pala enough iyon.”

Kaya ini-encourage ni Aiko ang lahat na panoorin ang pelikula nila, lalo na ng mga guro at estudyante.

Ang New Generation Heroes ay isang advocacy film na tumatalakay sa values formation, rights to proper education, pagpapahalaga sa mga guro, at mga taong itinuon ang sarili sa pagtuturo. Ito ay base sa tunay na pangyayari at ang ilang eksena ay kinunan pa sa Korea.

Bukod kay Aiko, tampok dito sina Ms. Anita Linda, Jao Mapa, Joyce Peñas, Dexter Doria, Debraliz Valazote, Alvin Nakkasi, Aleera Montalla, Rob Sy, at JM Del Rosario.

img_20170923_152313

Showing na sa Oct. 4 ang New Generation Heroes kasabay ng pagdiriwang ng World Teachers Day. Premiere night naman nito sa Sept. 29, 2017 sa SM Mega Mall 6:00 PM, Cinema 7.

Leave a comment