May 25, 2025
“He’s the father of my baby. I can’t imagine myself with someone else. So hopefully when the right time comes, we’d still end up together.” – Empress Schuck on Vino Guingona
Latest Articles

“He’s the father of my baby. I can’t imagine myself with someone else. So hopefully when the right time comes, we’d still end up together.” – Empress Schuck on Vino Guingona

Apr 13, 2015

by PSR News Bureau

Matagal nang naging usapin bilang blind item ang tungkol sa isang batang aktres na nagdadalantao at ngayon nga ay pinangalanan na ito matapos umamin ng Kapuso aktres na si Empress Schuck noong nakaraang Sabado, April 11 sa Startalk. Tahasang kinumpirma ng 22-year-old na aktres ang bali-balitang nagdadalang-tao siya sa naturang panayam sa kanya ng kapwa aktres na si Jennylyn Mercado. Ikinuwento ni Empress ang kanyang unang naging reaksiyon matapos niyang matuklasan na buntis siya.

Ayon sa aktres, “Nung umpisa di agad nag-sink in sa akin pagkatapos naming matuklasan na positive yung resulta ng pregnancy test. Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ng pamilya ko at mga kaibigan ko, pati yung magiging epekto niya sa trabaho ko. Sobrang takot talaga at confused ako. Kasi hindi ko alam anong mga susunod na mangyayari.

A photo posted by Empress Schuck (@empressita) on

“Nung sinabi ko sa parents ko yung situation, I was with Vino (her boyfriend) and his mother, my manager, Tita Becky Aguila nung pumunta kami sa house to tell my parents about it. Alam ko naman na hindi magiging madali ang lahat.”

“My mom’s first reaction was, of course, nagalit siya kasi na-disappoint siya. Pero after that, naging okay na. Kasi inilabas lang naman niya yung sama ng loob niya eh. Pero andiyan pa rin siya (her mom) para sa akin.”

“Gusto kong pasalamatan yung parents ko sa pag-intindi, sa suporta at pagmamahal nila sa akin. Siyempre gusto ko rin mag-sorry sa disappointment na ibinigay ko sa kanila. Sana sa ibang pagkakataon, makabawi ako sa kanila.”

“Sorry rin sa manager ko, kay Tita Becky kasi I let her down. Gusto ko rin mag-thank you kasi hindi niya ako iniwan. Nandiyan siya para alagaan ako. I love you, Tita.”

Sa nasabing panayam rin ay mayroong sulat ang nasabing manager ni Empress para sa kanya kung saan nanawagan rin ito sa mga tao na huwag husgahan ang kanyang talent at “anak-anakan,” bagkus nawa’y unawain ang kalagayan nito. Hindi biro ang tanggapin ang responsibilidad na maging isang ina.

Para sa isang artista na tulad ni Empress na lumaki at nagdalaga sa showbiz, hindi magiging madali ang lahat na tanggapin na ang dating baby ay magkakaroon na ng sarili niyang baby. Ngunit nananatiling positibo ang aktres dito.

Kahit hindi naman taga-showbiz ang ama ng kanyang magiging anak, binanggit ni Empress na Vino Guingona ang pangalan nito na family friend nila sa Zamboanga. Nagawa kasi ng aktres na maging pribado ang kanyang love life.

Si Vino Guingona ay apo ng dating Vice President na si Teofisto Guingona Jr. at pamangkin ni Senator Teofisto Guingona III. Si Vino ay isang model at may isang taon na ring karelasyon si Empress. Kaya’t di man siya taga-showbiz pero hindi niya maiiwasan mapagusapan dahil mula siya sa angkan ng mga kilalang politiko.

Nag-sorry rin si Empress sa fans at sa mga taong tumutulong sa kanyang career dahil sa di inaasahang pangyayari. Nagpasalamat rin siya sa mga nakakaunawa ng kanyang kondisyon at sa pinagdadaanan niya ngayon.

Sinabi rin ni Empress na gusto pa rin niyang ipagpatuloy ang kanyang showbiz career pagkatapos niyang makapanganak.

“Iniisip ko rin ang pagbabalik-showbiz. Pero hindi naman ganun kasi kadaling makabalik. Ngunit kung pagbibigyan ako ng isa pang pagkakataon, gusto ko. Sana pag dumating yung time na ready na ulit ako mag-showbiz, sana nandiyan pa rin sila, yung fans.”

Sa ngayon, nakatuon ang pansin nina Empress at Vino sa pag-aalaga sa kanilang magiging baby, ngunit umaasa rin si Empress na si Vino na ang kanyang makakatuluyan balang-araw.

Matapos ng naging panayam sa kanya ng Startalk, nag-post si Empress ng larawan nila ni Vino sa kanyang Instagram account upang ipakilala sa lahat kung sino ang ama ng kanyang magiging anak. Proud ang aktres dahil hindi siya iniwan ni Vino.

“After all, he’s the father of my baby. Hindi ko rin naman nakita ang sarili ko na may kasamang iba kung hindi siya. So sana, when the right time comes, magiging kami pa rin ‘til the end,” aniya

Leave a comment

Leave a Reply