May 22, 2025
Who breaks up who? Bea’s mom confirms daughter’s break up with Jake
This is it!

Who breaks up who? Bea’s mom confirms daughter’s break up with Jake

Feb 17, 2015

Rommel_Placente
by Rommel Placente

hqdefault So totoo palang break na sina Jake Vargas at Bea Binene? Ang mommy mismo ni Bea ang nagkumpirma nito sa amin. Nag-text kasi kami sa kanya para tanungin kung totoong break na ang dalawa na gaya nang mga lumalabas na balita. Ang text back niya sa amin ay ‘oo’, yun lang at wala nang iba. Hindi na siya nag-elaborate kung ano ang dahilan ng hiwalayang Bea at Jake.

Nung nakausap namin kamakailan si Derrick Monasterio, tinanong namin siya kung sakaling break na nga sina Bea at Jake ay posible bang ligawan niya si Bea? Ang sagot niya sa amin ay pwede. So ngayong kumpirmado na ngang nagkanya-kanya na ng landas sina Bea at Jake, ang kasunod kaya nito ay liligawan na ni Derrick si Bea? Ang pagkakaalam namin ay kaibigan ni Derrick si Jake, hindi kaya magtampo ito sa kanya kung liligawan niya si Bea? O magpapaalam muna siya kay Jake bago niya ligawan si Bea?

 

[su_divider]____[/su_divider]

3679405_orig‘Hindi matitiis ng magulang ang anak, pero ang anak ay matitiis ang magulang’

Hindi pala applikable sa mga magulang ni Heart Evajngelista ang kasabihang ‘Hindi matitiis ng magulang ang anak, pero ang anak ay matitiis ang magulang’. No show kasi sila sa kasal ni Heart kay Sen. Chiz Escudero na ginanap nung Sunday sa Balesin Island, Quezon Province. Natiis nila ang kanilang bunso. Iisa lang ang ibig sabiihin nito, hindi pa rin nila tanggap si Sen. Chiz para kay Heart kahit pa nagkaayos na sila ng kanilang anak.

Ano pa ba ang ayaw nila kay Sen. Chiz gayung pinakasalan nito si Heart? Na ang ibig sabihin ay malinis talaga ang hangarin nito sa Kapuso actress, ‘di ba? Patunayan lang sana nina Heart at Sen. Chiz na magtatagal ang kanilang pagsasama na hindi sila maghihiwalay. Kapag naghiwalay kasi sila, baka sumbatan si Heart ng kanyang mga magulang at sabihin sa kanya na tama sila na hindi tunay sa kanya ang magiting na senador.

Follow me…

social networkingRommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente

Leave a comment

Leave a Reply